Cold wind is blowing my hair touches my skin making me feel the cold. I look infront of me and all I can see is the hatred look in there eyes. Why did I end up to this? What did I do to feel this pain? All I ever wanted is their love and acceptance. Why is the world being unfair to me?
I look at my father and mother, they look at me with disgust and hate. I smile bitterly, if only they showed me their love. Maybe, maybe, I wouldn't end up like this.
Because they see me as evil no one believes me when I said that I didn't do it. I maybe a b***h but, I never killed a person not even one.
The people that I love made me hate this life. I am the option but never the choice. For the last time i look up the sky.
Dear God, are you going to accept an evil like me in your kingdom? I guess not.
"Mga mamayan ng Ravaryn nasa inyo ang decision kung ano ang gagawin sa babaeng ito na nasa inyong harapan! Kung atin ba siyang hahayaang mabilanggo habang buhay o atin na lamang hahatulan ng kamatayan!" Kahit hindi ko siya tignan alam kong siya ang royal knight ng hari.
"Kamatayan!" Halos lahat sila ay sinisigaw ang salitang kamatayan. Napatingin ako sa isang ginang kasama ang mga anak nito. Umiiyak ito habang nakatingin sa akin. Sa tabi niya ay ang aking tagapagsilbi na lumuluha rin. Nais nilang magsalita ngunit ako'y umiling. Hindi ko nanaisin na sila'y madamay.
Hanggang sa maramdaman ko ang pagtusok ng isang matalim na bagay sa aking dibdib. Napaubo ako ng dugo, nakita ko ang pagbunyi ng mga mamayan. Ngiti na tila ba sila'y nagtagumpay na mapuksa ang isang demonyo at ako iyon.
Ngumiti ako at tumingin sa kalangitan, sa wakas ako'y makakapagpahinga na rin. Natapos na rin ang aking paghihirap. Unti-unting pumipikit ang aking mata ngunit, bago ito tuluyang magsara ay nakita ko ang pag-iyak ng ginang at aking tagapagsilbi. Masaya ako dahil meron pa ring nalulungkot na nawala ako.
•••••••••••••••••••••••••••••••
Naiiyak ako ng matapos ko basahin ang pov ng reyna. Maikli lang ito pero sobrang sakit sa pakiramdam. Alam ko ang pakiramdam ng binabalewala ang hindi kayang mahalin ng taong mahal mo. Ilang beses na rin akong nasaktan dahil sa taong minamahal ko.
"Ano na naman ang iniiyak mo diyan?" Agad kong pinunasan ang luha ko. Epal talaga ng kaibigan ko! Napairap naman ako sa kanya at sinirado ang librong binabasa ko.
"Wala, ba't ka pala nandito?" tanong ko sa kanya at tinignan ito. Naglakad ako papunta sa railings at umupo. Ang sarap talaga tumambay dito sa rooftop dahil sobrang hangin.
"Wala naman, Bella may tanong ako," tinignan ko naman ito at binigyan ng ano-yon-look. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita ulit. "Alam mo bang hindi lahat ng nakikita mo ay totoo? Katulad ko, hindi ako totoo," nagtataka ko naman itong tinignan.
"Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti ito yung tipong nakakakilabot. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at kaba. Naglakad ito palapit sa akin at nagulat ako ng itulak ako nito. Naramdaman ko ang unti-unti kong pagkahulog. Napatingin ako kay Carla nakangiti lang ito habang nakatingin sa akin. Isang katanungan ang nabubuo sa isipan ko. Bakit nagawa ito ni Carla?
Naramdaman ko naman ang pagtama ng katawan ko sa semento. Asul na kalangitan ang nakikita ko. Nararamdaman ko na rin ang pagpikit ng mga mata ko. Hanggang tuluyan akong nilamon ng kadiliman.
••••••••••••
Minulat ko ang mga mata binati ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Napapikit ako ulit at nang sinubukan kong imulat ang aking mga mata ay pagtataka ang naramdaman ko. Ang paligid ko ay napupuno ng marangyang desinyo. Dahan-dahan akong bumangon at mas lalo akong nagtaka. Bakit nasa kwarto ako? Hindi ba dapat ay nasa ospital ko o di kaya ay sa langit? Ito ba 'yong tinatawag nilang afterlife.
Bigla namang nagbukas ang pinto at pumasok ang isang katulong. Paano ko nasabing katulong siya dahil sa suot niya. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya at ganun din naman siya sa akin.
"Lady Lorelie, mabuti po at gising na kayo," naluluha nitong turan at niyakap ako. Lorelie? The who? Ako ba?
"Sino ka?" Nanlaki naman ang mata niya sa gulat dahil sa tanong ko. Napatakip pa ito sa kanyang bibig at hindi makapaniwalang tinignan ako.
"Mahabaging langit! N-nakalimutan mo ba kong sino ako Lady Lorelie?" Nakalimutan? Hindi ko nga siya kilala paano ko makakalimutan ang taong hindi ko naman kilala.
"Hindi po kita kilala." Mabilis itong tumakbo palabas, ang weird naman ng katulong na 'yon. Pero wait, ganito ba ang afterlife may katulong at bago ang pangalan? Bumukas naman ulit ang pinto at pumasok ulit yong katulong kanina. May kasama na itong lalaki at may bitbit itong maliit na suitcase.
"Punong manggagamot hindi po ako maalala ni Lady Lorelie," nag-aalala nitong turan habang nakatingin sa akin. Agad naman akong sinuri ng manggagamot. Habang sinusuri niya ako ay nakatingin lang sa akin 'yong katulong.
"Ang iyong amo ay may sakit na amnesia o pagkawala ng mga alaala," sabi ng manggagamot at tumingin kay sino nga siya?
"Babalik pa po ba ang kanyang mga alaala?" nag-aalala nitong tanong.
"Hindi ko alam kung agad bang babalik ang kanyang memorya. Pero babalik din ito ng pa unti-unti. Aalis na ako para makapagpahinga ang iyong amo. Ako na rin ang bahalang magpaalam nito sa mahal na duke." Umalis na ang manggagamot kaya kami na lang dalawa ng babaeng 'to ang naiwan sa loob ng kwarto.
"Sino ka?" Naluluha itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Ako po si Elena ang iyong tagapagsilbi," pagpapakilala nito sa akin.
"Sino naman ako?"
"Kayo po si Lady Lorelie Thelesse Anatasia Hughes ang ikatlong anak nina Duke Louie Hughes at Duchess Zheresa Hughes ng Ravaryn." Ilang beses naman akong napakurap dahil sa sinabi nito. Ang mga pangalang binanggit niya ay pangalan ng tauhan sa nobelang nabasa ko.
Kung saan mamatay si Lorelie sa kamay ng mga mamayan dahil sa kasalanan nitong muntik na pagpatay sa concubine ng hari ang female lead. Errrrr!
"The kings love interest" ito 'yong pamagat ng nobela. Ako ang villain sa kwento nilang dalawa. Hinimatay naman ako dahil sa nalaman ko.