Chapter 1

2076 Words
•LORELIE• Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng mapunta ako sa mundong ito. Wala ni isang member ng pamilya ang dumalaw sa akin. Mahal talaga nila ako 'no este si Lorelie. Nakakatouch naman sila feel ko maiiyak ako. Sa loob ng limang araw ay si Elena lang ang nakakausap ko. Madalas ay nagbabasa lang ako at iniisip kong ano ang takbo ng nobela. "Elena pakikuha ako ng tsaa," pag-uutos ko kay Elena agad naman itong tumayo at nagpaalam. Ravaryn City gusto ko sanang libutin ang lugar na ito. Ngunit dahil hindi ko alam ang lugar ay baka maligaw lang ako. Hindi pa sinasabi ang tungkol sa pagkakasundo kay Lorelie at ng haring si Alaric. Alaric Lysander Reid Kavanagh a cold and heartless king. Everyone fear him for he's ruthless and merciless. He is known for being a killing machine. He kills everyone who defies him. Sa ngayon ay hindi pa hari si Alaric kaya lang niya napili na pakasalan noon si Lorelie dahil magiging malakas ang alyansa niya kasundo niya si Duke Louie ng Ravaryn City. Dahil maganda ang pangalan ng Duke at loyal ito na alagad ng hari. "Ito na po ang tsaa niyo Lady Lorelie." Inilagay nito ang tsaa sa mesa at sinimulang magsalin sa tasa. "Salamat Elena." "Nakalimutan ko sabihin sa iyo Lady Lorelie na sinasabi ng iyong ama na sasabay ka raw sa hapunan mamaya." Nakuha nito ang aking atensyon at isinara ko muna ang hawak kong libro. "Biglaan naman yata?" Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang sabi ni Elena ay Strikto at seryosong tao si Duke William ang tatay ni Lorelie. May apat na kapatid si Lorelie. Si Lawrence Zypher Hughes ang panganay nilang anak matalino ito at kaibigan ito ni Alaric. Wala itong pakialam kay Lorelie hindi rin sila madalas magkausap. Pero malapit ito kay Leilanie Zeryne Hughes ang pangalawang kapatid ni Lorelie. Maganda ito at kinagigiliwan ng lahat dahil mabait raw ito at magalang. Hindi rin ito malapit kay Lorelie. Si Liam Zyrus Hughes ang pang apat na kapatid ni Lorelie. Hindi rin sila close dahil masungit nga si Lorelie at masama ang ugali. Liliane Zenith Hughes ang bunsong kapatid ni Lorelie. Mabait ito at palangiti ito ang nakikipag usap kay Lorelie palagi. Kakambal ito ni Liam. Pansin niyo ba ako lang ang may kakaibang pangalan haha! "Kakabalik lang po nila mula sa bakasyon," sana all! Tapos ako iniwan dito. "Bakit hindi nila ako sinama?" Tanong ko sa kanila. "Kayo po ang ayaw sumama Lady Lorelie," napasimangot na lang ako. Ikaw kasi Lorelie bakit hindi ka sumama? Haysss! "Paano nga pala ako naaksidente?" Kailangan ko malaman bakit hindi naman siguro nagtangkang magpatiwakal itong si Lorelie. "Umakyat po kasi kayo sa punong mangga nadulas at nahulog," yun lang! Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. "Tawagin mo na lang ako kapag handa na ang hapunan Elena. Matutulog muna ako napagod ang isip ko," tumango naman ito at naglakad na palabas ng aking silid. Hindi naman talaga ako matutulog iisipin ko lang ang gagawin ko. Kahit naman anong gawin ko ay nakatadhana na talaga para kay Lorelie ang kamatayan. Iyon ang sabi sa akin pero pwede kong baguhin ang tingin ng mga tao sa kanya. "Czarina," nagising ako sa isang madilim na silid at may isang boses na tumatawag sa akin. Nilibot ko ang paligid at wala akong makita kundi kadiliman. Malamang walang flashlight e! "Czarina," ayan na naman tinatawag na naman ako. "Hoy! Kung sino ka man magpakita ka na lang hindi 'yong panay tawag ka sa akin. Ginagawa mong horror ang nangyayari!" Nakarinig naman ako ng mahinang tawa at unti-unting lumitaw ang liwanag. "Hindi ko na sasabihin sa iyo ang aking pagkakilanlan. Narito lamang ako upang sabihin sa iyo na hindi mo mababago ang nakatadhan kay Lorelie. Nakatakda pa rin itong mamatay." malamig ang boses nito na malambing meron bang ganun? Pero ano raw? Sa bandang huli ay mamatay rin si Lorelie? "Kung ganun ano pala ang ginagawa ko sa katawan ni Lorelie? Para ma double dead?" "Ikaw ay inatasan para gawin ang isang bagay. Baguhin ang tingin ng tao kay Lorelie. Ang iyong gagawin ay maaring magbago ng takbo sa kwento. Maaring mamatay sa katandaan si Lorelie o di kaya'y mamatay sa marahas na paraan. Ikaw ang magdesisyon kung ano ang magiging takbo ng kwento. Nakasalalay sa iyo ang mangyayari sa katapusan." Pagkatapos nitong sabihin ang mga bagay na iyon bigla itong naglaho. Hindi man lang nagpakilala. Naloloka ako sa panaginip na iyon. Hindi man lang sinabi sa akin ng maayos. So magpapakabait si Lorelie este ako para hindi brutal ang magiging kamatayan ni Lorelie? Mas bet ko yong mamatay sa katandaan. Ibig sabihin ikakasal pa rin ako sa prinsipe este sa hari? Hayssss! ~Tok~Tok~ Isang katok ang gumising sa natutulog kong puso este diwa. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. "Lady Lorelie ipinapatawag po kayo ng inyong ama oras na ng hapunan." Ang bilis naman ng oras parang kanina lang mahal ka niya ngayon iba na mahal niya. Natatawang naiiling na lang ako dahil sa aking kalokohan. Bumangon na ako at inayos ang aking sarili. Lumabas na ako ng aking silid kaso hindi ko alam daan papuntang dining. "Elena hehe!" Nahihiya kong ngiti nalaman naman agad nito ang ibig sabihin ng ngiti ko. "Sundan niyo lang ako Lady Lorelie, kapag nasa mesa ka na ay umupo ka sa kaliwang bahagi katabi ng iyong kapatid na si Liliane." Bulong nito sa akin kaya tumango naman ako bilang tugon. Nang makapasok kami sa loob ng dining table ay nakita ko silang nakaupo na sa kanilang mga upuan. "Nandito na po si Lady Lorelie." Pag-anunsyo ng isang kawal wala naman silang ginawa. Kahit lumingon ay hindi nila ginawa talagang wala silang pakialam sa akin. Nakakalungkot naman parang gusto ko umiyak ng dugo. Blood sweet and tears hehehe! Geez! Naalala ko bigla yong sayaw ni Jimin. Umupo naman ako sa tabi ni Liliane nakangiti naman itong nakatingin sa akin. Ang cute na bata parang gusto ko na lang siyang ilagay sa aking bulsa. "Hi ate!!!" pagbati nito sa akin, kinakaway pa nito ang kanyang kamay at nakangiti. Ang kyut naman niya. "Waaaaaaaah! Ang cute mo!!" Hindi ko napigilan at hinawakan ko ang pisngi nito. Yung tipong naging palaman ng sandwinch mukha niya. Hindi ko kasi siya pwedeng kurutin baka masaktan siya. •LAWRENCE• Kakarating lang namin mula sa bakasyon dapat ay may isang linggo pa para manatili kami sa lungsod ng Amaris ngunit natanggap namin ang balita. Mula sa punong manggagamot na ang aking kapatid na si Lorelie ay nahulog sa isang puno at nawalan ng alaala. Hindi ako naniniwala sa kanilang sinabi baka ito ay paraan na naman ni Lorelie para magpapansin. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya bilang kapatid. Ayoko lang sa mga ginagawa nitong kalokohan na nagdudulot ng kasiraan sa aming pamilya. "Kuya Law sa tingin mo ba ay totoo ang sinasabi ng punong manggagamot?" Pagtatanong ni Leilanie. Katulad ko ay nagdududa rin siya kung totoo ba. Pero kung ang punong manggagamot na ang nagsabi ay maaring totoo ito. "Hindi ko alam." "Pinapatawag na po kayo ng inyong ama para sabay maghapunan," sabi ng isang tagasilbi. "Kung totoo man o hindi malalaman din natin iyan—" sabi ko kay Leilanie "mauna ka na at kami ng aking kapatid ay susunod na." ••♪••♪••♪••♪••♪•• Narito na kami ngayon sa silid kainan at hinihintay na lamang ang pagdating ni Lorelie. Kahit kailan talaga ay napakatagal kumilos ng babaeng 'yon. Siguro ay pagod na naman iyon kakagala at maglustay ng pera. "Nandito na po si Lady Lorelie," pag-anunsyo ng kawal. Bumukas ang pinto at pumasok si Lorelie. Lahat kami ay nagulat sa itsura nito ngunit hindi namin iyon pinahalata. Ibang iba ang itsura nito ngayon. Wala itong makakapal na kolorete sa mukha at ang kanyang damit na suot ay hindi kita ang kaluluwa. Umupo ito sa tabi ni Liliane na nakangiti habang nakatingin kay Lorelie. "Hi ate!!" Nakangiting bati ni Liliane kay Lorelie. Bakit pa niya ito binabagi alam naman naming hindi rin siya papansinin nito. Tumingin ito kay Liliane at nagulat kami sa ginawa nito. "Waaaaaaaah! Ang cute mo!!" sabi nito at pinagdikit ang dalawang palad niya sa magkabilang pisngi ni Liliane. Nakangiti ito habang nakatingin kay Liliane. Tama ba ang nakikita ko? Hindi ba ako nililinlang ng aking paningin. Napatingin ako kina ama at ina ganun na rin sa iba kong kapatid. Makikita mo rin ang gulat sa kanilang mga mata. "Ehem!" Nabaling naman ang tingin namin kay ama. "Kumain na tayo at baka lumamig ang pagkain," sabi ni ina kaya naman sinimulan ng ihain ng mga tagasilbi ang pagkain. Tahimik lang kami habang kumakain walang gustong magsalita. Tila ba ay binabantayan ang kilos ng bawat isa. Para kaming hindi pamilya hindi naman na mababago. Dahil ganito na ang nakasanayan namin. Nagulat lang ako dahil nagsalita si Lorelie. "Ate, alam mo ba ang ganda sa Amaris City. Sayang hindi ka sumama!" Napatingin ako kay Liliane ng magsalita ito at kausapin si Lorelie. Ganito naman palagi pagkatapos ay iiyak lang si Liliane dahil susungitan ito ni Lorelie. Naawa ako sa bunso namin pero ayaw nitong magpapigil. Hindi ko alam kung bakit nagtitiyaga siya kay Lorelie. "Talaga? Kung gano'y maari ko bang pumunta sa aking silid at ilarawan sa akin mamaya kung gaano kaganda ang Lungsod ng Amaris?" hindi ko inaasahan ang sagot ni Lorelie. "Talaga ba ate?" Paninigurado ni Liliane dahil hindi nagpapasok si Lorelie sa kanyang silid. Tumango naman ito bilang sagot kaya naman nakangiting kumain si Liliane. "Ang balita ko'y nahulog ka raw mula sa puno ng mangga at nawalan ng alaala?" Napatingin naman kami kay ama ng magsalita ito. "Totoong hindi ko maalala ang mga bagay bagay ng ako'y gumising. Kahit ang aking pangalan ay hindi ko maalala. Kaya naman pinagkwento ko si Elena kung ano at sino ako. Ang sabi nito ay sa pamilyang ito ay ang aking bunsong kapatid na babae lamang ang may pakialam sa akin. Ngunit ito'y aking binabaliwala kaya naman nais kong bumawi sa kanya. Tapos na po akong kumain aalis na po ako." Mahaba nitong turan bumaling ulit ito kay Liliane, "pagkatapos mong kumain at maglinis ng iyong katawan ay pumunta ka sa aking silid. Maghihintay ako sa'yo bunso." Umalis ito at naiwan kami na hindi pa rin makapaniwala. Kung dati ay sumisigaw ito at nanakit ngayon ay parang ibang tao ito. Tahimik kaming pinagpatuloy ang aming pagkain ng magsalita si Leilanie. "Kapag sinaktan ka ng Ate Lorelie mo ay sabihan mo lang ako." "Hindi naman po ako sasaktan ni ate," sagot naman ni Liliane. "Pwede ba akong sumama sa'yo mamaya para masigurado lang na hindi ka sasaktan ni Ate Lorelie," seryosong saad ni Liam. Kung umakto ito ay parang hindi sampung taong gulang. "Ikaw ang bahala!" Kibit balikat na turan ni Liliane. Papunta ako sa aking silid ng mapadaan ako sa kwarto ni Lorelie narinig ko ang pag-uusap nila ni Liliane. Masiglang masigla ito habang nagkukwento kung ano ang nakita nito sa Amaris City. "Ate bakit hindi ka sumama?" "Dahil ako sinumpong ng aking sakit na katamaran ft kamalditahan," sagot naman ni Lorelie "Hindi na bago 'yan ate lagi ka namang maldita tsaka masungit." Sandaling katahimikan ang nangyari kinakabahan siya baka saktan ni Lorelie ang bunso nilang kapatid. Ngunit nagkamali siya ng makarinig siya ng tawanan mula sa loob. "Maldita pala ah!" "Waaaaah!!!! Ate nakikiliti po ako!" narinig niyang sabi ni Liliane kasunod ay ang pagtawa nito. Makabalik na nga lang sa aking silid. Naninibago pa rin ako sa mga nangyayaring pagbabago ni Lorelie. Pero maaring palabas lang ito dahil hindi pwedeng magbago ang tao ng ganun kabilis. Humiga ako sa aking kama at tulalang napatingin sa kisame. Maaring nagbago na ang aking kapatid ngunit hindi pa rin dapat ako magtiwala. Baka gagawa na naman ng panibagong kalokohan si Lorelie. Aaminin kong malayo ang aking loob sa kanya. Pagkat siya'y anak ni ama sa ibang babae. Ngunit ng ipinanganak si Lorelie ng kanyang ina ay namatay naman agad ito. Hindi alam ni Lorelie ang bagay na iyon sapagkat itinago iyon at pinagbawalan kami ni ama na sabihin ang bagay na iyon. Naawa ako sa kanya ngunit hindi pa rin magbabago na anak siya ni ama sa ibang babae. Bunga siya ng kataksilan ni ama kay ina. Kaya hindi ko siya matatanggap lalo na sa mga kalokohang ginawa niya na sumira sa karangalan ng aming pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD