CHAPTER 15. Masakit na salita. Nagtipon-tipon nag lahat ng empleyado sa isang conference hall kung saan lahat ng empleyado ay nandodoon. Seryoso ang problemang hinaharap ng kumpanya at maari silang bumagsak at malugi. Nasa harap kami at katabi ko si Lexus na kanina pa busy sa kaniyang cellphone. May malaking screen din sa harap kung saan diyan ipapalabas ang bagong advertisement na ipre-present. Ngayon ko lang din nakita si Lexus na ganito ka seryoso pagdating sa kumpanya niya. Syempre, kukunin sa kaniya ito kapag nabigo siyang paakyatin at pabalikin ang kita ng kumpanya. May mga nakikita din akong mga empleyado na nasa gitna at mukhang kinakabahan din sa kanilang presentasyon. Ngayon nila ipapakita ang kanilang nagawang advertisement clip para ipalabas sa national tv. Malaking

