Kakayanin. Maaga akong umalis ng bahay, kailangan ko pang dumaan sa ospital para magpaalam kay Julian at nanay. Excited na ako sa unang araw ng trabaho ko, pero kinakabahan din ako. Pagdating ko sa ospital ay may dala akong almusal ni Julian at ni nanay. Tulog si nanay at gising naman si Julian at nagkakape na. "Aalis ka na?" tanong nito pagkapasok ko. "Oo eh, susunduin naman ako," sagot ko. "Ito nga pala almusal niyo, Julian ikaw na muna bahala kay namay ha," dagdga ko pa. "Oo naman, tatawag ako kapag may problema," sagot niya. "Ay oo nga pala, ito numero ko," inilabas ko ang cellphone na bigay ni Gabriel at nanlaki pa ang mga mata niy ng makita niya ito. "Bago cellphone ha?" "Oo binigay ni Gabriel," sagot ko. "Gabriel? May jowa ka?" tanong niya at napatakip pa siya ng bib

