CHAPTER SIX

1316 Words
CHAPTER SIX Lifli Lucas   “Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba ang love of my life?” “Hoooy! Manahimik ka nga! Hindi ka ba nagsasawa sa kanta na ‘yan? Kahapon mo pa kinakanta ‘yan, eh!” iritang sigaw sa akin ni Pao. “Ikaw na ba ang Ice Tsing sa ibabaw ng cupcake ko?” Bigla naman akong binato ni Pao ng unan. “Aray! Bakit ba?!” “Eh, nakakairita na kasi ‘yang kanta na ‘yan! Mula kahapon kinakanta mo na ‘yan. Jusme! Ganyan ba talaga ang mga taong in love? Nababaliw? Ayoko ng ma-in love kung ganyan lang ang mangyayari sa akin!” “Hep! Hep! Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito! Whether you like it or not, kapag nahanap mo na ang taong mamahalin mo, hindi mo na mapipigilang hindi mabaliw,” sabi ko saka ko siya kinindatan at ipinagpatuloy ang pagkanta. “Oh, Lord! Bakit mo ‘ko binigyan ng ganitong best friend?!” Mula kasi kahapon pag-uwi namin ay hindi na ako natigil sa pagkanta ng Mr. Right. Na-LSS na ako. Si Ice nemen keshe, e! Kakaibang kilig ‘yung ipinaramdam niya sa akin kahapon. Emeged! Nababaliw na ako kay Ice Tsing!!   ***   Ice Tsing               “I know I am in love with you, because my reality is finally better than my dreams.”   Napangiti ako sa nabasa kong note mula kay Miss Cupcake. Binuksan ko na ‘yung box at may dalawang cupcakes pa rin na walang design. Kailan kaya magkakaroon ng design ang mga ‘to? Isa sa nakapagpapa-excite sa akin sa araw-araw na pagpasok ko ay ang pagbibigay sa akin ng cupcake ni Miss Cupcake. Lalo na ‘yung misteryo kung bakit may tatlo o dalawang cupcakes na walang design. Gusto kong malaman kung bakit laging gano’n at ano ‘yung dapat mangyari o dapat kong gawin para magkaroon na rin ng design ang dalawang cupcakes na ‘yon. Gusto kong makilala ang taong nagpapadala sa akin ng mga cupcake pero may part din na ayoko. Kagaya nang sinabi ko kay Lifli, ayoko munang makilala si Miss Cupcake dahil baka hindi ko siya matanggap.   Unti-unti na kasi akong nahuhulog kay Lifli.   Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya pero sa tingin ko naman ay hindi pa. Siguro’y gusto ko pa lang siya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang babaeng pagtitiyagaan ang kapalpakan ko sa kusina? Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang babae na masyadong totoo sa kanyang sarili? No’ng una iniisip ko na paghanga lang ‘to pero as time goes by nag-iiba ‘yung pakiramdam ko. Parang nagle-level up ‘yung “paghanga” ko sa kanya. Naalala ko naman bigla ‘yung sinabi niya na may lalaki na rin siyang nagugustuhan. Sino naman kaya ‘yon? Sana ako na lang.   ***   Lifli Lucas   “Hi!” Lumingon ako sa lalaking pumasok sa TLE Room at nakita ko ang lalaking hindi maalis-alis sa aking isipan. “Hello! Bakit nandito ka?” “Masama bang gumawa ng cupcake?” nakangiting sagot niya. Nginitian ko rin naman siya. “Ano ‘yang ginagawa mo? Mukhang abalang-abala ka, ah?” “Gumagawa kasi ako ng new flavor ng cupcake kaso hindi ko magawa ‘yung chocolate chip cupcake. Kanina pa nga ako rito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa ng tama.” “Para saan ba ‘yan? Bakit ka gumagawa ng bagong flavor?” “Isinasali kasi ako ni Ma’am De Guzman sa isang baking contest at cupcakes ang theme kaya ‘eto, nagpa-practice ako.” Kumuha naman si Ice ng isang chocolate chip cupcake na ginawa ko. Tiningnan niya muna ‘yon na para bang inoobserbahan niya at Maya-maya pa’y kinain na rin niya. “Okay lang naman ang presentation pero parang nakalabas nang kaunti ‘yung chips. Mas maganda kung nakapaloob talaga sa cupcake, ‘di ba? Okay rin naman ang lasa, eh, pero parang may kulang.” “Ano ‘yung kulang?” “Mahirap i-explain, eh. Gawin mo na lang kaya ulit tapos titingnan ko kung alin ang kulang?” “So, ikaw na ngayon ang teacher ko?” “Yes. Palit na tayo ng pwesto, Ms. Lucas.” “Kung gano’n, maaari na po ba akong magsimula, Mr. Tsing?” Tumango naman siya habang nakangiti at sinimulan ko na ang paggawa ng chocolate chip cupcake.   Pinaghalo-halo ko na ‘yung mga ingredient at habang inilalagay ko ‘yung cake flour ay bigla akong sinabuyan ni Ice sa mukha. “Ice! Bakit mo naman ginawa ‘yon?!” “Sorry! Hahahahaha! Ang seryoso mo kasi. Hindi bagay sa ‘yo at hindi ako sanay na ganyan ang expression ng mukha mo.” Binato niya ako ulit ng cake flour at hindi siya tumigil hangga’t hindi nauubos ‘yung nasa mesa. Kumuha rin ako ng harina saka ko siya sinabuyan. ‘Yon, sapul sa mukha kaya natawa talaga ako nang malakas. “Ah, gano’n? Gantihan ang gusto mo, ah?” Pinagbabato niya ako ng harina at gumanti naman ako kaya nauwi kami sa harina fight.   No’ng napagod kami ay pareho kaming napaupo sa sahig. “Ay, s**t! ‘Yung cupcake!” Agad kong binalikan ‘yung cupcake na ginagawa ko at habang gumagawa ay narinig ko na kumakanta si Ice.   ♫ From the moment I saw you, From the moment I looked into your eyes. There was something about you I knew, I knew. That you were once in a lifetime, A treasure near impossible to find. I know how lucky I am to have you. ♫   Napangiti ako habang gumagawa. Akalain mong magaling din pa lang kumanta ang isang ‘to? Siya na talaga ang perfect para sa akin. Kahit pa sabihing palpak siya sa kusina, ayos lang. Siya pa rin ang lalaking laman ng aking puso. Nang matapos ko ang paghahalo sa mga ingredient ay inilagay ko na ‘yon sa mga baking cup at finally ay sa oven. Gumawa na rin ako ng icing at habang gumagawa ay nakangiti lang ako. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung dahil ba nag-e-enjoy ako sa paggawa o dahil sa naririnig kong kumakanta si Ice sa aking harapan. Nang matapos ko ang paggawa ng icing ay sumakto rin ang pagkaluto ng cupcake kaya natapos ko ito agad. Habang nilalagyan ko ng icing ang mga cupcake ay may naramdaman ako sa aking pisngi. Paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Ice na may icing sa kamay. Paghawak ko sa pisngi ko ay may icing na pala ako. Tiningnan ko siya nang masama pero agad ding nawala ‘yon dahil sa ginawa niyang pagkanta.   ♫  ‘Cause I’ve seen rainbows that could take your breath away. The beauty of the setting sun that ends a perfect day And when it comes to shooting stars, I have seen a few. But I’ve never seen anything as beautiful as you. ♫   Kumuha rin ako ng icing at ipinahid ‘yon sa pisngi niya hanggang sa mauwi naman kami sa pahiran ng icing. Buong mukha yata namin ay may icing na kaya ang lagkit-lagkit ng pakiramdam namin. No’ng lalagyan ko na siya sa ilong ay bigla niyang hinawakan ang pulso ko at napatingin kami sa mata ng isa’t isa. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Ang bilis-bilis nang t***k ng aking puso. Pakiramdam ko’y lumilipad ako dahil sa kakaibang pakiramdam na ‘to.   Sabi nila nakakabaliw raw talaga ang magmahal pero kung ganito naman kasarap sa pakiramdam ang mabaliw sa pagmamahal, handa akong magpakulong sa mental. Pero ang mental na gusto kong puntahan ay sa puso ng lalaking kaharap ko ngayon. Sa puso ni Ice Tsing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD