Gabi na ng nakarating si Dark ng bahay, pagod pero kahit papano gumaan ang pakiramdam niyang dahil alam niyang tutupad sa usapan nila si Mr. Hayasaki.
Pagkapasok pa lang ni Dark ng bahay, ay ang nakangiting mukha ni Samantha ang bumungad sakanya.
"Good evening Sir, nag dinner ka na? Kakain ka? Ipaghahayin na ba kita? Or gusto mo muna ng maiinum? Tubig? Coffee? Coffee jelly? Orange juice? Cucumber peppermint shake?" Sunod-sunod na tanong ni Samantha na biglang nagpatawa kay Dark, na ikinakunot ng noo nito.
"Sir? Sir pa rin talaga? At isa pa. Isa-isa lang ang tanong ha, hindi pa nga ako nakakapagsara ng pintuan. Sinalubong mo na ako ng mga tanong." Natatawang sabi pa ni Dark dito.
"Pwede naman kahit ano itawag ko sayo di ba? Hehe." Napailing na lang din si Dark sa sinabi nito.
"Nasaan si Manang at Si Mang Lucio, pati na rin si Tonny? Kumain na kayo?" Sunod-sunod naman ang pag-iling ni Samantha.
"Hindi pa, hinihintay ka namin, para kumain ka ng madami. Diet ka kasi kumakain ka ng nag-iisa." Mahinang tugon ni Samantha, na naabot pa rin naman ng pandinig ni Dark.
"Oh Hijo, andito ka na pala, mabihis ka na at maghahayin na kami. Samantha pakitawag si Lucio, at Tony." Agad naman tumakbo sa garden si Samantha para tawagan ang dalawa.
Si Dark naman ay umakyat na sa ikalawang palapag, sa kanyang kwarto para makapagbihis.
Sabay-sabay silang dumulog sa hapag. Si Dark ang nasa kabisera, kalapit sa kanang side si Samantha at si manang Belen, sa kaliwa naman si Mang Lucio at Tim.
"Manang, bago recipe mo sa adobo? Mas masarap ngayon, may dinagdag kang ingredients." Puri pa ni Dark habang kitang kita na sarap na sarap ito sa pagkain.
"Dapat ba akong magtampo, o matuwa sa sinabi mong bata ka." Natatawanang sabi ni manang.
"Oo nga naman Belen, masarap ang pagkakaluto mo ngayon." Si Mang Lucio.
"Tunay naman inay, masarap ang luto mo ngayon." Si Tonny.
Puri nila sa adobo habang si Samantha ay halos, magkulay kamatis na sa tabi ni Dark.
"Ok ka lang Sam?" Taning naman ni Dark, dahil napansin nito ang pamumula ni Samantha.
"Masarap ba ang adobo, magtatampo na talaga ako sa inyong tatlo. Palagi akong nagluluto ng adobo pero hindi n'yo man lang ito pinupuri. Pero ngayon, aba ay talagang napansin n'yo." Reklamo pa manang Belen.
"Masarap naman, di ba Sam?" Tanong ni Dark, ng may pagsang-ayon pa sa dalawa pang lalaki.
"Ah... eh... ok lang naman.. hehe." Sabay kamot sa ulo na ipinagtaka ng tatlo.
"Hindi ka nasarapan sa luto ni Belen/inay?" Sabay na tanong ni Tonny at mang Lucio.
"Si Samantha ang nagluto ng adobo ngayon. Aba ay may talent pala itong bata na ito sa pagluluto. Hindi ko akalaing masarap pala ang mga luto niya." Gulat naman ang tatlo.
"Wow, iba ka Samantha pwede ka ng mag-asawa." Si Tonny.
"Aba'y pwedeng pwede na ngang mag-asawa itong si Samantha, mas masarap ka pang magluto kay Belen." Na sinamaan naman ng tingin ng asawa sabay irap dito. Na ikinatawa nilang lahat.
Tahimik namang kumakain si Dark. Wala na itong sinabi, pero ramdam ni Samantha na totoong nasarapan ito sa luto niya, dahil napakadami nitong nakain.
Matapos kumain ay lumabas na rin ng kusina si Dark. Nagtungo muna siya sa garden, lalo na at hindi niya inaasahan na ganoong karami ang makakain niya. Hindi niya maipagkakaila na masarap magluto si Samantha.
Dangan nga lamang, na biglang umasim ang kalooban niya ng banggitin ni Tonny na pwede na itong mag-asawa, na sinundan pa ni mang Lucio.
Katatapos lamang maghugas ng pinggan ni Samantha ng mapansin niya si Dark na nakatayo sa may garden. Malamig ang paligid, lalo na at medyo humahampas ang mabining hangin. Hindi nag-atubili ang dalaga na lapitan ito.
"Ang lamig dito, hindi ka pa ba papasok?" Tanong niya.
"Nope, maya na siguro, masyado akong madaming nakain. Ang sarap mo palang magluto." Sambit ni Dark na ikinapula ng pisngi ni Samantha.
"Hindi naman. Nasanay lang ako noong bata pa ako, ng iwan kami ni tatay at sumama sa iba, at ng bumalik ang sakit ni inay, natuto ako ng mga gawaing bahay, lalo na ang pagluluto. Pinasok ko din ang iba't ibang trabaho sa murang edad. Saglit ko lang natamasa ang sarap ng maging bata. Hindi rin nagtagal at naranasan kong muli ang hirap ng buhay. Pero masaya pa rin ako at naramdaman kong maging isang anak, kahit ganoong ang mga pinagdaanan ko." Malungkot ang mga mata, pero nakangiti ang mga labi, habang nagkukwento siya kay Dark.
"Sorry hindi ko akalain ang mga pagsubok na pinagdaanan mo, pero gusto kitang makilala. Gusto kong magkwento ka. Ok lang ba?"
Napangiti naman si Samantha sa sinabi ni Dark, inaya siya nito sa isang bench sa may ilalim ng puno. Dinalhan din sila ng kape ni manang Belen dahil, masarap daw magkape habang malamig ang dampi ng hangin sa katawan.
Naikwento lahat ni Samantha, mula ng matagpuan siya ni Mother Teressa sa labas ng gate ng ampunan, kung paani siya binigyan ng panibagong pag-asa ng mag-asawang Montenegro at kung paano siya napadpad sa poder ni Mr. Tim Chua na nagbenta sakanya.
Naalala din niya ang kanyang kaibigan na si Leah. Alam niyang nag-aalala na ito sakanya, lalo na at nawalan ito ng contact, buhat ng kunin siya ng mga tauhan ng may-ari ng club.
Nakwento na rin ni Dark na hindi na rin si Samantha guguluhin ni Mr. Hayasaki, dahil hindi lang mismo ang negosyo nito ang pababagsakin ni Dark, kundi pati mismo ang pagkatao ng ginoo.
Alam naman ni Samantha na kaya iyong gawin ni Dark lalo na at alam niyang bilyonaryo nito at lahat ay maaaring daaanin sa pera. Mabuti na nga lang at naging mabuting tao si Dark, dahil mahirap kalaban ang isang mayaman, ngunit baluktot naman ang paniniwala.
"Kumusta na kaya si Leah?" Mahinang sambit ni Samantha pero narinig ni Dark.
"Gusto mo bang makasama ang kaibigan mo?" Tanong ni Dark dito, na ngimi naman siyang tumango.
"Oo sana, pero natatakot akong makita ako ng Mr. Chua. Sabi namin kasi ni Leah sa isa't isa, isang taon na lang aalis na kami sa Chinese Store na iyon, at magtatayo kami kahit maliit na negosyo, pero nawala ang ipon ko, tapos naiwan ko pa doon ang kaibigan ko." Malungkot na turan ni Samantha.
"Gusto kitang mapasaya, pero sana pumayag ang kaibigan mo. Kukunin ko s'ya at isasama dito. Sasabihin kong magresign na siya sa trabaho. Gusto mo ba?"
Hindi makapaniwala si Samantha sa narinig, kaya bigla na lang siyang napatayo sa pagkakaupo at biglang niyakap si Dark.
"Thank you Dark, napakalaki na ng utang na loob ko sayo. Hindi ko alam kung paano ko maibabalik, pero sobrang salamat talaga sa lahat ng naitulong mo." Umiiyak na pasasalamat ni Samantha habang yakap-yakap na rin siya ni Dark.
"Hindi ako sigurado, pero may idea ako kung bakit ko ito ginagawa. Gusto ko lang siguraduhin sa sarili ang nararamdaman ko, ayaw kong magkamali, hindi dahil takot akong masaktan kundi takot akong masaktan kita." Mga sinabi ni Dark na nagpaangat ng mukha ni Samantha, at tumitig sa mga mga nito, habang hindi naman binibitawan ng binata ang pagkakayakap dito.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na sabi ni Samantha.
"Naramdaman ko ito, mula ng masilayan ko ang mga ngiti mo, at mas lalo noong nataranta ako sa grocery at nahalikan kita. Hindi ko pinagsisihan ang pangyayari na iyon. Ayaw ko din naman na madaliin ka, pero sana pareho tayo ng nararamdaman. Hmmm."
Hindi naman manhid si Samantha para hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Dark. Alam din ni Samantha na nahuhulog na siya sa binata. Pero pinipigilan niya lalo na at baka wala naman itong katugon. Pero dahil sa sinabi ng binata, nagkaroon siya ng mumunting pag-asa.
Sa ngayon hihintayin na lang niya, ang panahon na sinasabi nito. Masaya siyang nakilala si Dark nagkaroon ulit siya ng pagkakataon na magkaroon ng bagong pamilya, lalo na at andyan si Manang Belen, Mang Lucio at Tonny, at ang pangako ni Dark na kukunin nito si Leah.
Hindi mapigilan ni Samantha ang mapangiti. Ramdam naman niya ang paghigpit ng yakap ni Dark sakanya, at ang mga mabibining halik sa kanyang buhok.
Isang oras pa ang itinagal nila ni Dark sa may garden, bago nagpasyang pumasok sa loob ng bahay. Tulog narin ang mag-asawa, pati ni Tonny ay hindi na rin nila nakita.
Hinatid pa siya ni Dark sa harap ng kwarto na inuukupa niya. Bago pa siya makapasok ay muli siyang hinila nito at hinalikan sa noo.
"Good night mon amour." Sambit pa ni Dark.
"Mon Amour? Anong Mon Amour?" Nagtatakang tanong ni Samantha dito.
"Wala yon. Good night Samantha, tulog ka na." Bago muli siyang hinalikan nito sa noo, at tinalikuran siya.
"Good night Dark." Iyon lang ang nasambit ni Samantha bago ito tuluyang makalayo, at pumasok sa kwarto nito.
Pagkapasok ni Samantha sa loob ng kanyang kwarto, ay mabilis siyang tumakbo at sumampa sa kanyang kama, at nagtaklob ng unan sa mukha. Isang impit na tili ang kanyang pinakawalan, dahil sa ipinaparamdam ng binata ngayon sakanya. Alam niyang malabo, dahil langit at lupa ang pagitan nila. Pero hindi na niya maiitago pa ang namumuong pagmamahal na umuusbong para sa binata.