Gabi na ng nakarating si Simoun ng resorts. Tulog na rin si Samuel ng dumating siya. Ikinuwento na rin niya kay Samantha ang nangyari, sa pag-alis nila at kung bakit hindi na nito kasama ang mga magulang. Kung tutuusin ay gusto na rin nilang umuwi, sa bahay ng mga magulang niya kaysa sa magtagal sa resorts at magkita pa palagi ang mag-ama. Pero ang kanyang anak, na sobrang tuwang tuwa sa resorts. Ayaw naman nilang makita na malungkot ito, kaya, hindi nila mapilit. Kaya hindi nila magawang umuwi agad sa bahay ng magulang. Dahil sobra pa itong nag-eenjoy. Ayaw naman niya itong nagtatampo sakanya. Ngayon dahil hindi na kasama pa pabalik ng resorts ang Mama La at Papa Lo nito, baka mapipilit na nila itong umuwi muna sila sa bahay nila dito sa Pinas, lalo na at hindi pa rin nararating ni Sa

