Ipina rebooked na lang ulit ni Simoun hotel room sa resorts na tinutuluyan nila. Isa sa presidential suite lang naman ang inuukupa nila. Para sa kanya, sa mga magulang nila, at sa mag-ina, dahil tatlo ang kwartong meron presidential suite ng hotel. Total nandoon na rin naman sila, sulitin na rin nila ang pag stay doon, lalo na at request din naman ni Samuel. Wala na rin namang nagawa si Samantha, lalo ng makita niyang naiiyak na ito, kung hindi pa siya papayag. Hindi naman nila napasyalan ang buong resorts noong nakaraan, kaya ngayon ay susulitin na nila. Pero nagpaalam ang mga magulang niya at si Simoun ng araw na iyon. Meron lang daw pupuntahan ang mga ito, pero hindi na siya isinama, para maipasyal si Samuel. Masaya namang naglalaro si Samuel sa tabing dagat, maaga pa at hindi pa masak

