Hindi akalain ni Samantha na seryoso talaga si Dark sa balak nitong pakasalan siya nito mismo, ngayong araw sa taas ng bundok, kasama ang pamilya niya. Akala niya nagbibiro lang ito, pero hindi. Ang kasama ni Simoun ay ang Pareng magkakasal sa kanila. Tama pala ang narinig niya dito ng tinawag itong 'Father' ni Simoun. Matapos ayusin nina Leah, Hazel at Britany ang desinyong arkong bulaklak ay siya naman ang binalingan ng mga ito. Si Britany ang naglalagay ng kulay sa kanyang kuko. Bata pa pa ito pero may pagkahilig sa pagkukulay ng kuko. Kaya naman ngayon, kulay asul na ito. Si Hazel naman ang nagmamake up sakanya. Hindi man ito professional make up artist, masasabi niyang maganda ang taste nito. Lalo na at makikita talaga niyang, maganda ang pagkakalagay nito ng kolorete sa kanyang m

