Dahil sa nakikitang masaya na si Dark sa piling ni Jeana ay nagdesisyon siyang umalis na sa poder nito. Alam niyang wala si Dark dahil kasama nito ang mga kaibigan nito. Umalis din si Jeana dahil may photoshoot ito. Umalis naman ng umagang iyon ang mag-asawang Monreal, dahil pumunta ang mga ito sa resorts. Pagbalik naman ng mga ito sa gabi sure na pagod ang mga ito, at hindi mamamalayan ang kayang plano. Umaga pa lang ay inayos na ni Samantha ang mga gamit niya habang abala si Leah sa kusina. Ilang damit at gamit lang ang kanyang dadahilin, iyong mga gamit na dinala ni Leah, noong nagtatrabaho pa sila kay Mr. Chua. Dala din niya ang kahon na naglalaman ng larawan ng kanyang ina, at ang kwintas na suot daw niya noong natagpuan siya ni Mother Terresa, sa labas ng ampunan. Nang mapansin niy

