Chapter 30

1532 Words

Pagbalik ni Samantha sa table nila ay nakita niya ang halos mawalan ng malay na anak dahil sa kaantukan. Natawa pa s'ya dahil sa sinabi ng mommy niya, na pinatutulog nito si Samuel, kaso nahihiya daw at maraming tao. Kaya hinintay ang pagbalik niya para sa kwarto nila ito makatulog. Binuhat naman ni Samantha si Samuel at habang naglalakad ay henehele niya ito hanggang sa bago sila nakapasok ng hotel ay nakatulog na ito. Nadaanan din niya ang suite na inukupa nila noon ni Dark, noong kinasal sila. Mapait siyang napangiti, ng maalala ang masasayang pagkakataon na kasama si Dark. Mahimbing na ang tulog ni Samuel ng ibaba niya ito sa kama. Malungkot niyang tinitigan ang mukha ng kanyang anak. Kamukha man ito ni Simoun, dahil noong panahon na naglilihi siya ay ito ang pinaglihihan niya. Palagi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD