Alex's Outlook Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip ng mga nangyari kahapon. Ang daming tanong ang gustong gusto kong mahanapan ng kasagutan. Sino si Bruce Kian? Ang ama ko ba? Magkakilala sila? Bakit kahit na kaylan hindi iyon nabanggit sa akin ni papa? Dahil sa may tinatago silang dalawa? Naguguluhan ako at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang mga kasagutan doon. Kinabukasan ay maaga kong tinawagan ang imbestigador ng pamilya. Inutusan ko siyang alamin kung ano ang relasyon nila tatang at papa. Sa ngayon wala muna akong ibang gagawin hangga't hindi ko pa nalalaman ang totoo. Pagkatapos kong kausapin ang imbestigador namin ay marahan ko ng ginising si Kit para makapag almusal at maaga pa ang aming pasok. Sabay kaming bumaba habang inalalayan ko si Kit dahil sa

