Alex's Outlook Pagkatapos ng insidenteng iyon ay wala naman ng kakaibang nangyari. Sinabi lang sa amin kung ano ang mga gagawin at ano ang trabaho namin ni Kit. Si Kit bilang project director na kung saan siya ang maghahanap, makikipag-deal at bahala sa mga resources na kailangan para sa project kaya halos wala siya sa kompanya at nasa labas. Masaya naman itong tinanggap ni Kit dahil isa ito sa pinaka importanting trabaho para sa project na ito. Nagulat naman ako ng sinabi sa akin na magiging personal assistant ako ni Mr. Oxford. Tinanong ko kung bakit personal assistant ang ibinigay sa akin at iyon daw dahil siya ang mag ha handle ng project na ito at kagaya nga daw ng sinabi niya ay kailangan niya ng mga source ko sa business world. Well hindi na ako umangal dahil pinigilan ako ni

