•ASHTON'S POV•
Bat angtagal mag on?
Mga sampung minuto na akong naghihintay na magbukas yung cellphone, pero ni isang indication na ‘on’ na ito wala man lang. Baka naman virus ang dala ng SimCard na yun at tuluyan ng masira yung cellphone ko!! Ibabalik ko na yung simcard ng biglang lumiwanang yung phone ko. Amazing!!
Natulala nanaman ako sa nangyayari di ko talaga maisip na itong mga magical thing’s na ito ay mangyayari sa harapan ko mismo. Kusang lumutang yung cellphone ko na kumawala sa aking mga kamay.
Nababalutan ito ng kakaibang liwanang, mga liwanang na tila alitaptap na inillilipad pabuhat ang aking cellphone. Ano kayang nangyayari dun? May Magic yung sim Card. Naloloka na talaga ako sa mga nagaganap! Comet’s, crater, pokeball, tapos yung magical simcard. Anong susunod? Kinikilabutan na ako.
Huminto bigla yung liwanang at nakikita kong may nangyayari sa cellphone ko. Parang nagtatransform ito. Hindi ko alam kung anong nabubuo, basta ang alam ko hindi na siya ang cellphone ko. Biglang nawala yung liwanang at yung bagay na pumalit sa cellphone ko ay dahan-dahan ng bumabagsak. Kaylangan kong magmadali! Kaylangan ko yun saluhin!
Pabagsak na siya, eto na ako naka-abang na yung kamay ko. Hindi ko pa man nahahawakan pero kita ko na ang ganda nung bagong nabuo. So Magical!
Eto na..
Nasalo ko yung bagay na yun napapikit ako sa saya, hindi ko alam kung bakit. Ayaw ko muna itong tignan.
Pero di narin ako nakatiis dahan-dahan ko ng tinignan ang aking nasa kamay. Wow so familiar! Kung hindi ako nagkakamali isa itong pokedex! [The Pokédex (Japanese: ポケモン** illustrated Pokémon encyclopedia) is a digital encyclopedia created byProfessor Oak as an invaluable tool toTrainers in the Pokémon world. It gives information about all Pokémon in the world that are contained in its database, although it differs in how it acquires and presents information over the different media.]
Anggggggg Gondaa! Kulay pula ito at parang Game boy, manipis nga lang. Pero may takip siyang di Flip. Pagbukas ko naman ay meron din siyang screen at control sa ilalim nito. Sa may takip naman ay meron ding mga button’s. Huhuhuhuhu pero nasaan na yung celllphone ko?
Ito ba yung function ng SimCard na yun? Na gawing Pokedex ang celllphone na malalagayn. Putcha!! Paano na yung mga Pokemon Episode ko dun?
Pati yung mga m2m scandals na nadownload ko? :’|
Anong gagawin ko dito? Paano ba ito gamitin? Hmmmm pag nanunuod kase ako ng pokemon pag binukas lang ni Ash yung PokeDex may nagsasalita. Pinagmasdan ko yung mga button. Ayun may nakita akong On..
Agad ko naman yung pinindut. “Bang! Poke-Dex Ac-Ti-Vated”, nakakagulat!
May nagsalita na parang robot. Anu yun welcome tone? Hahahaha ganito pala ito.
“Hello ako si dexter, pilipino version. Anong maipaklilingkod ko sayo?”, Uwwwwmayy nagsalita na siya. Hala nakakagulat napapanuod ko lang tong si Dexter! Ngayon nahahawakan ko na! Ano kayang itatanong ko?
Alam ko na itatanong ko kung bakit napadpad siya dito! Baka masagot na niya yung mga tumatakbong tanong sa isip ko! Magsasalita na sana ako ng biglang may liwanang na lumabas sa Screen. Nabitawan ko yun sa sobrang gulat!! Pero patuloy parin yung liwanang.
Isang hologram yung lumitaw sa ibabaw ng Screen ng PokeDex. Napalunok ako sa pagkamangha. Grabe ang astig nitong technology na ito. Isang imahe ang nabuo sa liwanag. Isang matandang lalaki ang aking nasa harap. Pamilyar ang istilo ng pananamit pati yung sumbrero!
Imahe sa Hologram: Huwag kang matakot..
Ako: Po?.. [Nakakaba si manong. Pero pamilyar talaga siya ehhh..]
Imahe sa Hologram: Ikaw ang itinakda..
Ako: Itinakda? Ano pong ibig niyong sabihin? Tsaka ano po ba talagang nangyayari?
Imahe sa Hologram: Huminahon ka, ipapaliwanang ko sayo ang lahat.
Ako: Sino po ba kayo? [Pustahan tama ang hula ko..]
Imahe sa Hologram: Ako si Ash Ketchum..
Ako: Weh di nga? [ Kunwari di ako naniniwala pero ang hula ko talaga siya si Ash! Matanda Version nga lang]
Imahe sa Hologram: Bakit hindi mo ba ako nakikilala?
Ako: Aaaa ano po kase si Ash sa napapanuod kong Cartoons ay bata pa, para ngang di siya tumatanda Eeee..
Imahe sa Hologram: Sino may gawa niyan at ng mautusan kong magbalat ng patatas..
Ako: Uyy Princess sarah yun ahh. [Hehehe nakakatawa siya bakit kaya alam niya yung sikat na joke na yun? Yung magbalat ng patatas?]
Imahe sa Hologram: Sitenta’y Siyete anyos na ako ngayon.
Ako: Huh?! Tanda mo na po.. Pero ikaw talaga si Ash? Nasaan si Pikachu?
Imahe sa Hologram: Wala na siya..
Ako: Wala na si pikachu?!
Imahe sa Hologram: Ninakaw siya sa akin ng Team Rocket. Sa libo-libong pagkakataon, nagtagumpay na si James, Jessy at Meowth sa kanilang hinahangad.
Ako: Ano?!
Imahe sa Hologram: Ginawa nilang mutant si Picachu at ang ibang pokemon dito sa PokeWorld.
Ako: Mutant?
Imahe sa Hologram: kaya nandito ako ngayon sa harap mo dahil ikaw ang itinakda. Itinakdang magligtas sa inyong daigdig laban sa mga masasamang Pokemon na ngayon ay nagsisimula ng magkalat sa planetang earth.
Ako: Ano po? May mga pokemon na dito sa earth..
Imahe sa Hologram: May ginawang Experimento ang Team Rocket na ngayon ay pinamumunuan na ni James, Jessy at Meowth. Gusto nilang angkinin ang inyong daigdig. Gusto nilang gumawa ng bagong Daigdig, kung saan sila ang mamumuno.
Ako: Pero bakit ang aming daigdig? Tsaka totoo talaga ang Pokemon?
Imahe sa Hologram: Maniwala ka man sa hindi totoo kame.
Ako: Pero paano nakapasok ang mga pokemon dito?
Imahe sa Hologram: Gamit ang ninakaw na labing walong pokemon type badge, kung saan may kakayahang ikulong ang 30 pokemon per type sa bawat badges. Halimbawa sa isang Fire Badge kaya ikulong dito ang 30 fire type pokemon. Labing walo yung badges na ninakaw nila. Ito yung sumusunod: Normal Badge, Fire Badge,Water Badge, Electric Badge⚡, Grass Badge,Ice Badge❄️, Fighting Badge, Poison Badge☠️, Flying Badge, Ground Badge⛰️, Psychic Badge,
Bug Badge️, Rock Badge, Ghost Badge, Dragon badge, Dark Badge, Steel Badge⚙️ at ang Fairy Badge. Kaya marahil na sa daigdig niyo na ang halos 540 Good at Evil Pokemon species.
Ako: Kaylan pa?!
Imahe sa Hologram: Pinadala nila ito mahigit isang linggo na ang lumilipas, sa pamamagitan ng mga pokeball na nagtataglay ng kakaibang aura dahi sa mga badges na nasa loob. Tulad ng ginawa kong pagpapalakbay sa rainbow pokeball na nakuha mo. Ikaw ang unang nakakita ng liwanang kaya nasayo na ang titulong Itinakda.
Ako: Ibig niyong sabihin yung mga liwanang na nakita nuon sa kalangitan ang mga pokeball na pinadala dito sa aming daigdig? Tsaka anong magagawa ko bilang itinakda.Wala po akong alam diyan ahh .. Mahal ko pa ang buhay ko.
Imahe sa Hologram: Yun nga yun. Bilang itinakda, kailangan mong bawiin ang lahat ng Badges.
Ako: Huh?! Paano?
Imahe sa Hologram: Yung Pokeball nasa kanya ang bagay na makakatulong sayo. [Sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa pokeball na naiwan sa may sahig]
Ako: Ibig mong sabihin may pokemon sa loob nun?
Imahe sa Hologram: Kunin mo.. [Mabilis ko namang kinuha yung Pokeball]
Ako: Anong gagawin ko dito?
Imahe sa Hologram: Pindutin mo yung button sa gitna. [Mabilis ko naman hinanap yung button. Kabisado ko na kase yung itsura ng pokeball, kahit nung sa cartoon’s palang]
Ako: Napindut ko na..
Imahe sa Hologram: Pagmasdan mo ng mbuti. [Muli nanamang lumiwanang yung pokeball at naging!!..]
Ako: Isang itlog? Isang Poke’Egg? Anggg Cute!! Yung Pokeball kanina ay naging Isang Itlog! Isang malaking Itog! Tulad ng itlog palang si Togepi..
Imahe sa Hologram: Ngayon tatanungin kita mula kay Bulbsaur, Squirtle at Charmander. Kung papipiliin ka ng starter pokemon at magiging laman niyang itlog. Sino ang nais mo? [Matagal ko na itong pinapangarap!! Wahhhhhhh isa na nga akong pokemon Master! Di ako makapaniowala.]
*Sino kayang pipiliin ko? Basta ang pinaka-ayaw kong maging pokemon ay si Charmander!! Ayoko sa ugali niya pag naging Charizard na siya.. Hmmmm kaya Between kay Bulbasaur at Squirtle nalang ako. Ang hirap magdesisiyun!!
Imahe sa Hologram: Hinihintay ko na ang iyong kasagutan..
Ako: I Choose Squirtle!
Imahe sa Hologram: Sino naman ang pinaka-ayaw mo?
Ako: Si Charmander! [Pagkatapos kong sumagot ay lumiwanang ng saglit yung Malaking itlog]
Imahe sa Hologram: Alagaan mo siya ng mabuti..
Ako: Ayus na ba? Kaylan at Paano siya mapipisa?
Imahe sa Hologram: Isang mainit na pagmamahal ang makakabasag sa Poke’Egg na yan. Wag mo siyang hahayaan mag-isa.
Ako: Paano pag may nangyari masama?
Imahe sa Hologram: Katapusan na ng mundo. [Medyo nakakatakot yung tinig na yun.]
Ako: Anong mangyayari sa mga badges?
Imahe sa Hologram: Sa ngayon di ko muna maiipapaliwanag ang tungkol sa mangyayaring pagsakop. Isang buwan ang magdadaan bago gumana ang mga badges at mabuhay ang mga pokemon.
Ako: kaylan pa?!
Imahe sa Hologram: Pag lumabas na ang magiging kapares mo sa paglaban.
Ako: Yung nandito sa itlog?
Imahe sa Hologram: Oo..
Ako: Sige, hindi pa man ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Pipilitin ko paring gawin ang sinabi mong tungkuin. Iingatan ko ang itlog na ito, at balang araw sabay naming ililigtas ang mundo.
Imahe sa Hologram: Hindi nagkamali ang liwanang sa pagpili sa iyo sana bago pa man lumipas ang isang buwan. Mabasag na ang itlog at makasama mo na ang pokemon na magiging karamay mo.
Ako: Masusunod, lolo ash.
Imahe sa Hologram: Lolo? Hehehe sige paano ba yan magkita nalang tao sa susunod na pagkakataon.
Ako: Teka lang po!
Imahe sa Hologram: Bakit?
Ako: Yung rival niyong si Gary kumusta na po?
Imahe sa Hologram: Bakit mo naitanong iho?
Ako: Ahh wala po, trip ko lang sanang malaman kung ano na kalagayan niya.
Imahe sa Hologram: Sige imbitahan ko siya sa pangalawang pag-uusap natin.
Ako: Huh? Wag na po nakakahiya..
Imahe sa Hologram: Ano may tanong ka pa ba?
Ako: Totoo po bang may s*x video kayo ni misty? Dun daw po sa tent? Nakita ko kase yun sa Hentai videos nung minsan na nagbrowse ako. hehehehe [Pinapatawa ko lang siya]
Imahe sa Hologram: Anong hentai? s*x Video.. wala ahh..
Ako: Hentai di niyo po yun alam?
Imahe sa Hologram: Hindi eh ano ba yun?
Ako: Tagalog po ng “wait”. Hentai… Biro lang po, wag niyo na po pansinin mga sinasabe ko hehehe
Imahe sa Hologram: Iba pala sa inyong daigdig, maraming kakaibang hindi rin namin alam.
Ako: Hehehehe may tanong pa po ako..
Imahe sa Hologram: Anu yun?
Ako: May mata na po ba si Brock? [Nakita kong tumawa si Lolo Ash, hahahaha naget’s niya siguro yung Biro ko]
Imahe sa Hologram: Chinito problems niya yun.. [Sabay kameng nagtawanan]
Ako: Bat pala kayo nakakapagsalita at nakak-intindi ng tagalog?
Imahe sa Hologram: May Voice at Understanding converter kase akong ginagamit, kaya nagkaka-intindihan tayo.
Ako: Ahh okay po.
Imahe sa Hologram: Pwede na ba akong umalis?
Ako: Wait lang po ! Last na ito.
Imahe sa Hologram: Ano yun?
Ako: Paano po yung cellphone ko?
Imahe sa Hologram: Wag kang mag-alala walang problema nadiyan parin sa PokeDex ang memory ng cellphone mo. Just Click.. Mobille mode, nasa button naman yan.
Ako: Paano yung simcard ko?
Imahe sa Hologram: Wag kang mag-alala, yung pokesim ay may katangian rin ng isang simcard na ginagamit niyo. May sariing number din siya na ginawa ko, base sa number style ng iyong bansa.
Ako: Wow astig!
Imahe sa Hologram: Paano ba yan.. sa susunod ulit.
Magsasalita pa sana ako, pero biglang nawala na yung Hologram. Napatingin ako sa itlog na hawak ko. Hmmmmmmmmm .. Aalagaan talaga kita. Sabay halik ko sa kanya..
Biglang umilaw yung itlog, kasabay ng pagtibok ulit ng puso ko. Hala .. Hmm siguro naramdaman niya yung pagmamahal ko bilang Future master niya.
Inayos ko na nga ang hihigaan namin ni Eggy. Meron namang duyan sa Rooftop, sa harap ng munting bodega namin. Pagkakuha ko ng PokeDex ay agad ko yun nilagay sa bag. Kame naman ni Eggy ay magkatabing natulog sa Duyan, yakap-yakap ko ito. Mainam itong paraaan para mabigyan ko siya ng init mula sa aking katawan. Para mapadali rin ang kanyang paglabas :>
Habang nakatingin sa mga bituin sa napakalinaw na kalangitan, masaya akong nangyayari ito sa aking buhay. Hindi ko na ngayon nararamdaman ang pagiging malungkot sa buhay.
Nagising ako dahil sa mainit na sinag ng araw, umaga na pala. Nag’unat-unat muna ako habang nasa duyan. Excited na akong makita si Eggy. Good Morning Eggy!
Pagtingin ko ay wala na si Eggy!! Wahhhhhhh. Di ko tuloy alam kung panaginip lang ba ang lahat. mabilis akong bumangon at tinignan ko ang aking bag. Bigla ko namang nakita yung pokedeX. Hala nasaan si Eggy?? Hindi ako nanaginip. Hinanap ko siya sa paligid!!
Bigla akong nanginig sa Kaba ng makita ko si Eggy sa may platform ng hagdan. Oh my!! Bat siya napunta dun?!! Malapit na ito sa may edge kung saan pwede na siyang mahulog. “Eggy wag kang gagalaw”, Dahan-dahan na akong lumalapit sa kanya. Pero..
Pero biglang gumulong ng konti si Eggy! putAaaa nahulog na ito. Mabiis akong tumakbo upang habulin siya. Pero huli na ang lahat, wala na akong nagawa :’
Basag.. ╥﹏╥