"Dadalo ang kapatid mo sa birthday party, and Mr. Green like her paintings." sabi sa kanya ng kanyang madrasta na hindi na nagpaliguy pa sa totoong pakay ng mag ina sa kanya. "Gumuhit ka para sa kanya at ireregalo niya kay Mr. Green." "Huh!" patuyang ngumiti siya na tumingin sa kanyang madrasta. Naikuyom niya ang kanyang palad na gustong sabihin dito na hindi na niya ulit ipapamigay ang kanyang mga paintings na ginagamit lang ng kanyang stepsister para sa sarili nitong kasikatan. Naalala pa niya at bumalik sa kanya ang nakaraan sa unang beses na ninakaw ng kanyang stepsister ang kasikatan na dapat siya ang magtamasa. Noon sa unang taon nila pereho sa kolihiyo, nakuha niya ang unang ranggo sa art competition at isa pwede niyang gamitin iyon para makapasok siya sa kilalang unibersidad sa

