#2:

1364 Words
Pagkasabi ng lalaki ng katagang iyon ay nakita ni Isabella na nagbago ang kislap ng mata nito. At gumuhit ang isang mapaglarong ngiti sa mga labi. Napasinghap pa si Isabelle ng maramdaman ang hanging lumabas sa bibig nito na tumama sa mukha niya. Napalunok siya. Bigla siyang naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso niya. “May mga balitang online, na nasa parking lot na nga si Mr. Tuazon.” Napalingon si Isabella sa parating na mga reporter ng marinig niya ang mga iyon. “Huh!” Hindi na siya nagdalawang isip na hawakan ang lalaki sa kamay, mabilis niya itong hinila palayo sa pinto ng sasakyan nito. Binuksan iyon, agad na sumakay saka niya hinila pasakay din ang lalaki. “Look, hindi ba si Mr. Tuazon iyon? May kasama siyang babae.” narinig pa nilang sabi ng mga reporter bago niya tuluyang mahila pasara ang pinto. Tumakbo ang mga reporter palapit sa kanila. Kahit papano ay nakahinga ng maluwag si Isabella dahil hindi sila nahuli at makuhanan ng larawan sa pag aalala na baka mabulilyaso pa ang kanyang mga plano. Ngunit sa pagmamadali niya kanina sa pagsakay at paghila sa lalaki ay wala na halos pagitan ang kanilang katawan. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. “Sinabi ko sa inyo, siguradong si Mr. Tuazon siya.” narinig nilang sabi ng isang babaeng reporter kaya napahigpit ang hawak ni Isabella sa braso ng lalaki na bahagyang nahila pa kaya tuluyang nawalan ng pagitan ang mukha nila. Dumikit ang labi ng lalaki sa noo niya ngunit hindi na iyon napansin ni Isabella sa pagpursigi na maitago ang mukha nila sa mga reporter. “Mr. Tuazon, laging nadadawit ang pangalan mo sa mga scandals, dahil ba sa pagtanggi mo sa mga magulang mo na pagpapakasal sa babaeng hindi mo mahal?” tanong ng isa pang lalaking reporter. Sa labas ay patuloy sa pagtunog at pagflash ng mga camera sa labas at patuloy sa pagtatanong ng mga reporter sa kanila mula sa loob. Bahagya namang lumayo ang lalaki sa kanya ngunit ang isa nitong kamay ay umikot sa likod niya at humawak sa braso niya. “Huwag kang mag alala, ms. Isabella.” sabi ng lalaki na nanatiling nakatitig sa kanya. “Ligtas ang sasakyan na ito dahil hindi nila tayo makikita mula sa labas.” pagbibigay sigurudad ng lalaki. Sa sinabi ng lalaki sa kanya ay doon siya nagpasyang lumayo sa lalaki at pilit na kumawala sa pagkakahawak nito sa braso niya. Ngunit agad niya ulit itong hinila ng makita niyang lumingon ito sa may bintana. “Binabalaan kita, huwag mong hayaang makita nila ang mukha mo.” “Hmmm, but my chest feels a bit tight, now. Anong gagawin ko?” tanong nito na may ngisi sa mga labi. “Kaya parang gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.” sabi pa nito na umangat ang isa nitong kamay, sabay pindot ng window botton. Sa pagpindot ng lalaki sa window botton at bumaba iyon ng tatlong pulgada ay mabilis na hinawakan ni Isabella ang necktie ng lalaki saka niya iyon hinila. Ang isang kamay niya ay mabilis na pinindot pataas ang window botton hanggang sa tuluyan ulit iyong magsara. Mapasinghap ang lalaki dahil halos lumapat na ang labi nito sa mga labi niya at isa na namang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. “As long as you cooperate, gagawing kong sampung beses ang kinikita mo sa club.” sabi ni Isabella na ikinaaliw ng lalaki na napatitig sa kanya. Ngumisi ang lalaki at hindi nag abalang alisin ang kamay ni Isabella na nakahawak sa necktie nito. “Sinabi ko din sayo na hindi ko kailangan ng pera dahil marami ako niyan.” sagot ng lalaki dahilan para humigpit ang hawak ni Isabella sa necktie nito at muling nahila. “Kung ganun ano ang kulang at wala sayo at ibibigay ko.” muli niyang tanong. “Hmm.” nanatiling nakapaskil ang mapaglarong ngiti ng lalaki sa mga labi nito. Umangat ang kamay saka iyon humawak sa kanyang braso at humaplos iyon doon na sinabayan ng pagpisil. Napaiksi si Isabella dahil sa pagpisil ng lalaki sa kanyang braso. Matapos pisilin ng lalaki ang braso niya ay umakyat pa ang paghalpos ng palad nito sa braso niya hanggang sa tumigil iyon sa baba niya at hinawakan saka siya nito pinatingala. Nagtama ang kanilang paningin. “Sinabi ko sayo kanina. Ang wala sa akin ay asawa.” Napalunok ulit si Isabella dahil habang nagsasalita ito ay tumatama ang hininga nito sa mukha niya. Bahagya pa siyang napapapikit sa tuwing maayoy niya ang mabango nitong hininga. Tumikhim siya bago nagsalita. “Sige, pumapayag ako, ihahanap kita ng mapapangasawa mo.” pagpayag ni Isabella sa gusto ng lalaki. “No!” pagtanggi naman nito. “Hindi ko gusto ang hanapan mo ako ng ibang mapapangasawa ko, kundi ikaw ang gusto ko.” seryoso na sabi nito sa kanya at ang kamay na nasa baba niya ay humawak sa kamay niyang nakahawak sa necktie nito ay mahigpit iyong ikinulong sa mga palad. “Huh!” sa gulat ay mabilis niya iyong binawi at lumayo sa lalaki. “Mayroon akong boyfriend.” Sagot niya. “So what?” balik tanong niya na tila balewala sa lalaki ang sinabi niyang may boyfriend siya. “Boyfriend mo lang siya at hindi asawa. Anong masama kung magkaroon ka pa ng isa.” sabi nito na para bang ganun kadali ang sinasabi nito. Kunot ang noo ni Isabella sa nasabi ng lalaki at parang natural na lang dito ang magkaroon ng sabay sabay na karelasyon. “You..” nakaramdam ng inis si Isabella at napalalim ang kanyang paghinga. “Kung wala lang ang mga reporter sa labas ay baka kanina pa kita sinampal.” naibulong niya na hindi niya sigurado kung narinig ba iyon ng lalaki. “Okay! Kung hindi ko kayang ibigay ang gusto ko ay wala na tayong pag uusapan pa.” ilang sandali pa ay pangpinali na pag atras na ng lalaki sa kanilang transaksyon. “No! I mean..” “What?” tanong ng lalaki. “Okay. As long as you like to be my wife; hahayaan ko sang sarili kong mapag usapan ng iba.” at habang sinasabi nito ay sinasadya pa nitong idikit ang labi sa labi niya kung hindi lamang siya mabilis na nakakaiwas. “Gagawin ko ang lahat, so it’s a deal, ms. Isabella.” At bago pa man siya makasagot ay muli nitong pinindot ang window button. Unti unting bumaba ang salamin ng bintana kasabay ng patuloy na pagpaflash ng mga camera ng mga reporter na naghihintay lamang sa kanila na lumabas. Mabilis na yumakap si Isabella sa lalaki at nagtago sa mga bisig nito. Napangisi ang lalaki na humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya na nakapaikot sa likod niya. “Ms. Isabella, can I deal with those people outside now?” tanong pa ng lalaki sa kanya kaya mas napahigpit ng yakap si Isabella dito. Sasagot na sana si Isabella ay tama namang tumunog ang cellphone niya at nakatanggap ng mensahe mula kay Carlo. Kaya napalayo siya sa katawan ng lalaki. “Nakaalis na ako.” iyon ang mensahe na ipinadala ni Carlo sa kanya. “Okay! Go on, huwag mo lang hahayaang makita nila ako.” pagpayag niya. “Okay! Then you have to hold me tight, dahil kung hindi ay siguradong makikita ka nila, ms. Isabella.” pagsagot naman ng lalaki. Sa sinabing iyon ng lalaki ay muli siyang napayakap dito, ngumisi ulit ang lalaki na pumisil pa ang palad nito na nasa braso niya at bahagyang idiniin ang ilong sa buhok niya. Ilang sandali pa ay umangat ang mukha ng lalaki mula sa kanya at hinarap nga ang mga reporter sa seryosong mukha at mapagbantang titig. Napaatras ang mga reporter ng makita ang mukha ng lalaki at naalarma sila dahil nagkamali sila ng taong inaabangan. “Sino ang nagbigay sa inyo ng lakas ng loob na sirain ang magandang ginawaga ko?” galit at nasa tono nito ang bigat na may halong pagbabanta. Na sa tono pa lang niya na sinabayan ng seryoso at lamig ng tingin ay matatakot na ang sino mang makakita sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD