"Ahh Calvin right there!" Ungol ng babaeng kas*x ko. Sunod-sunod na ulos at madiing sagad na pagpasok ang ginawa ko.
Jennifer?Zia?Lucy?
Hindi ko na matandaan kung anong pangalan niya ang mahalaga ay makaraos ako.
"Harder Calvin!"
Bago pa 'ko labasan ay kaagad ko nang inilabas ang sandata ko at nagpaputok sa labas. Kahit na may gamit akong proteksyon ay mas maging mag iingat pa rin ako.
"I-i love you Calvin."
Love? Matagal ko nang sinukuan ang pagmamahal na yan. Kahit kailan ay hindi ko na paniniwalaan na may tunay na pagmamahal sa mundong 'to.
Mabilis kong nilinis ang katawan ko at nagsuot ng damit ko.
"W-wait where are you going?"Nababalisa nitong tanong nang marealize ang gagawin ko. Hinihingal pa siya at hindi magawang makakilos. Kaya halos matumba ito ng pinilit niyang tumayo at lumapit sa 'kin.
"Leaving"Tipid kong sagot. "Do you really think that I would fall in love with someone like you?"
Mabilis na nalukot ang mukha ng babae. Kasunod non ang pamumulang mukha niya dahil sa galit. Pero wala akong pakialam.
Bago niya pa ako masampal ay kaagad na ko lumabas sa room na 'yon.
Sa lobby ng hotel ay nakita kong naghihintay si Nathaniel. Body guard ko. Nakasunod sa likuran ko ito at kaagad na dumating ang sasakyan ko. Pinagbuksan ako nito ng pinto kaya pumasok na ako kaagad. Sa susunod na sasakyan pa ito sasakay. Ayokong may ibang tao maliban sa driver ang nasa sasakyan ko.
Sa pagdating namin sa mansion ko ay katahimikan ang bumungad sa 'kin. Nakakabinging katahimikan.
I put my point finger to the scanner at kusang nagbukas ang pinto.
Puro itim at puting mga gamit ang makikita sa loob. Hindi basta-basta ang gamit dito dahil galing iyon sa ibang bansa. Sadly I don't support local staff.
Awtomatikong nagbukas ang mga ilaw ng sala ng tuluyan akong pumasok.
Napasalampak ako kaagad sa sofa.
"Sht!" Nag vibrate ang phone ko at nang makitang alas dos na ng madaling araw ay lalo akong nairita dahil sa taong tumatawag.
Napahilot ako sa aking sintido ng binasa ko ulit ang pangalan na nasa screen.
"Hello Lolo Miguel."Bungad ko.
"Calvin Andrew Miguel kailan ka ba titino!?"
Kung nakikita ko lang siguro ang mukha nito ay paniguradong nang gagalaiti na ito sa galit.
"Hindi ka na nahiya.I told you many times that you should take care of Angel."
"Who is Angel?"
Ngisi kong tanong gusto ko siya lalong asarin. "Ah, yung babae bang pinipilit niyo sa 'kin na pakasalan ko?"
"Mierda!"
Mukhang nagtagumpay ako sa pang aasar ko sa kaniya dahil minumura na ako nito.
"Nakakahiya sa amigo ko Calvin! Paano mo aayosin 'tong gusot na ginawa mo?"
"It is not my fault. Kusa siyang bumukaka at bastos naman siguro ako kung tatanggihan ko sya." Casual kong sagot. "I'm already sleepy gotta sleep Lolo Miguel, good night."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at kaagad na binaba ang tawag.
Bago pa ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa ang pag tunog ng cellphone ko at sunod-sunod na notification ngunit isinawalang bahala ko 'yon lahat.
Nagising ako sa pagtunog ng alarm clock. Oo nga pala ito ang araw ng pag alis ko sa Italy. Walang kaalam alam ang Lolo Miguel sa bagay na 'to lalo pa't nasa Spain siya ngayon.
Mamayang hapon pa ang flight ko kaya hindi ko kailangang magmadali.
Nanatili lang naman ako dito sa Italy ng medyo matagal dahil kay Mom and Dad.
Baka pati sila ay magulat pag sinabi kong nasa Pilipinas na ako.
My Nana Rena, ang lola ko lang ang nakakaalam sa balak kong pagbabalik sa bansa. Matagal na silang hiwalay ng Lolo Miguel kaya wala na silang pakialaman ng buhay ng isa't isa. Kung gaano ka estrikto si Lolo Miguel ay kabaliktaran naman ni Nana Rena. She love her favorite apo which is me.
Gamit ang bagong labas na De Tomaso ay nagtungo ako sa airport. As usuall naka convoy sila Felip. Mahigpit na pinagbabawal ko na wala silang sasabihin kay Lolo Miguel tungkol sa pagpunta ko sa Pilipinas.
I gave them a 3 months vacation with pay basta lumayo layo muna sila sa Italia.
Hindi naman sa galit ako kay Lolo Miguel ayoko lang sa lahat ay pinakikialaman niya ang buhay ko pati mga personal na bagay.
Matapos ang mahigit na 13 hrs na flight ay kaagad na dumating ang sundo ko.
Tumunog ang aking cellphone. Napangiti ako ng makita ang contact name na naka display sa screen at kaagad ko yon sinagot.
"Hello Nana Rena" Bungad ko sa kaniya ayaw kasi nito na tinatawag na lola.
"Calvin!"Masaya nitong sagot sa kabilang linya.
"Apo bilhan mo ng komasan na plush toy si Tyler."
"Don't tell me na tumawag ka kaagad sa 'kin para lang utusan ako nyan,"namamangha kong sabi. Pwede naman siyang mag-utos sa iba. Pero gaya ng dati my Nana Rena is always a demanding one.
"I send you the picture of it sa messenger kaya gawin mo na lang ang utos ko, nagwawala na si Tyler." Narinig ko naman ang iyak ng pamangkin ko na 5 years old.
"I want Komasan Nana Rena you promised me that I will get it now!" Pagmamaktol ni Tyler.
"Bakit kasi masyado niyong ini-spoiled yung bata."
"I spoiled you too kaya wag ka ng magreklamo jan"
Napabuntong hininga naman ako.
Grabe mukhang hindi man lang ako nito na mi-miss.
"Lets go to the nearby Mall first." Utos ko na ginawa naman kaagad ng driver.
Mabilis ang naging byahe at nakarating kaagad kami sa establisyemento.
Pumasok ako kaagad sa isang kilalang bilihan ng laruan . Nakita ko kaagad ang stuff toy na gusto ni Tyler kaya mabilis ko itong kinuha ngunit may kamay ring kumuha ng laruan.
"Ako ang unang nakakuha nito Mister" Sabi nang kaagaw ko at tinaasan pa ako ng kilay.
"Ako ang naka-una." Madiin kong sabi rito.Mukhang mag-aagawan pa kami nito ng stuff toy na parang mga bata, but who cares? Ang isang Calvin Andrew Hallestein ay nakukuha ang lahat ng gusto niya.
Tiningnan niya ang mukha ko . Dahilan upang makita ko rin ang mukha nito. Napakaamo at ang inosente ng mukha nito at napakaganda. Tiningnan ko ang kabuoan niya at napansin kong nakasuot ito ng long sleeve na white na pang lalaki.
Iba na talaga ang panahon ngayon pag 'di mo tiningnan nang maigi at obserbahan ang isang tao tiyak maloloko ka.
He's too beautiful to be a man. Papuri ko sana sa kanya kung hindi lamang ako galit sa mga kagaya niya.
"Bakla yata 'to"Inis kong bulong. Nang maalala ko na naman yung ex ko na hiniwalayan ako ng dahil lang sa isang bakla na kinahuhumalingan niya.
"Anong paki mo kung bakla ako." Singhal nito at tinaasan muli ako ng kilay .Mukhang narinig niya ang sinabi ko anyway sinadya ko naman talaga iyon. Ayoko sa mga ka-uri niya! Ang makita lang ang mga kagaya niya ay kumukulo na ang dugo ko. I'm Homophobic for short.
"Give it to me ako ang nauna sa kanya"Inis nitong turan pero hinila ko ito sa kaniya. Ako ang naka-una sa plush toy. Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay mga mang-aagaw!
Ngunit hindi rin ito nagpapatalo dahil hinihila nya rin pabalik sa kanya yung plush toy.
Who would have thought , a billionaire like me will fight just for a mere toy.
Tiningnan ko ulit sya at nakita ko ang ID nito. Sky Samandiego ang pangalan nya at nagtatrabaho sa H.Empire.
So he's an employee of my company.
"Hindi mo ba ako kilala?" Seryoso kong tanong. I'm his boss the CEO , ang nag mamay-ari ng kompanyang kanyang pinagtrabahoan dapat kilala niya ako.
"Hanapin mo paki ko kung sino ka." Banat nito na nagpainit ng ulo ko.
Sino ba sya sa tingin nya upang tratohin ako ng ganito!
Tiningnan ko siya ng masama at mukhang palaban talaga ito dahil nakipagtitigan pa ito sa 'kin. Walang sino man ang kayang sumalubong sa tingin ko lalo na at pag galit ako.
Siya pa lang ang namumukod tangi.
"Ma'am and Sir 'wag na po kayong mag agawan niyan may stock pa naman po kami. " Sabi ng staff nang nakalapit sa 'min.Binitiwan ko naman kaagad yung stuff toy.
"Wag mong tawaging ma'am yan,bakla naman yan." Turan ko.
This is the first time that a thing that i want been taken away from me, isipin nyo ng napaka childish ko. Ako naman kasi talaga ang naka-una but pinili ko na lang na bitawan dahil wala na kong magawa.
Lagot ka sa 'kin SKY SAMANDIEGO.
"WELCOME HOME!"Bungad ni Nana Rena at Tyler.
" Pasensya na apo sa utos ko. Nagahol sa oras para makapaghanda sa pagdating mo. "Salubong sa 'kin ni Nana Rena at mahigpit ako nitong niyakap.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa tuwa.
"Its fine Nana Rena, akala ko talaga 'di niyo na ko na miss."
Malapit na malapit talaga ako sa Lola ko kaya nang makita ito ulit ay nakakatuwa talaga.
"Pwede ba naman yon?"Natatawa nitong sabi."Imposibleng hindi kita mami-miss no."
Nana Rena was in here 70's I'm so glad na energetic pa rin ito ngayon. Sa edad niyang 'to ay hindi maitatago na maganda ang lola ko. Nakasuot ito ngayon ng isang victorian yellow dress. She's always so extra.
"Nagluto ako ng paborito mo. Alam ko naman na namimiss mo ang luto ko at mga pagkain dito sa Pilipinas."
Napangiti ako sa sinabi niya kasunod non ang pagkalam ng tyan ko.
"Daddy Vin!" Tawag ng makulit kong pamangkin. Kaagad itong nagpakarga sa 'kin. "Dala mo po si Komasan?"
"Sino mas gusto mo ako o si Komasan?"
Nakita ko naman kung pano nahihirapan sa pagpili si Tyler kasunod non ang pagtubig ng mga mata nito at umiyak na ng tuluyan.
"Napakaiyakin naman talaga ng Tyler namin." Alo ko rito. "Oo na, alam ko naman na si Komasan ang gusto mo."
"But you will always be my favorite Daddy Tito Vin. " ansa ng cute na batang 'to.
"Lets go, alam kong gutom na kayo." Yaya ni Nana Rena.
Habang kumakain ay napansin ko ang panaka-nakang tingin ni Nana Rena. Tinapos ko muna ang paghigop ng sabaw ng sinigang. Nanuot ang asim non sa lalamunan ko kaya nalukot ang mukha ko. Legit na sampalok ang nakasangkap kaya maasim iyon sa kinasanayan ko. Pero naroroon pa rin ang sarap at comfort na naibibigay ng pagkain.
"May gusto ka bang sabihin Nana Rena?"
Alanganin namang napangiti siya sa 'kin. Naramdaman ko ang pag aalinlangan niya.
"Apo Calvin kailan mo ba 'ko mabibigyan ng apo?"
Halos mabilaukan ako sa tanong ni Nana Rena.
"Nana Rena you know that I don't have a serious relationship right now. Kaya malabo kitang mabibigyan ng apo. Girlfriend nga wala po, asawa't anak pa kaya,"tugon ko ng makahuma na.
"Okay apo pero maghihintay ako."
Kaya mahal na mahal ko 'tong si Nana Rena kahit makulit ay hindi siya mapilit sa ganitong bagay.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang karga ko si Tyler na 'di man lang binitawan ang plush toy na binili ko kanina at nakipag-agawan pa ko. Naalala ko na naman ang baklang yon na babae pa sa mismong babae ang mukha at katawan.
"O bakit salubong na naman yang kilay mo Calvin?" Tanong ni Nana Rena.
"May naalala lang po ako,"sagot ko at may nabuo akong plano sa isipan ko.
Lagot ka sa kin Sky 'di talaga kita titigilan hanggang 'di ako nakabawi sayo.
"You look scary Dada Vin" Puna ni Tyler na nakatingin na pala sa mukha ko.
Anak ng apo ng kapatid ni Nana Rena si Tyler namatay sa isang plane crash ang buong pamilya nito at tanging sya lamang ang nakaligtas sa aksidente kung kaya kinupkop na ito ni Nana Rena and he used to call me Dada Vin sa simula ay ayoko dahil baka pagkamalan akong may anak at kasalukuyan pang "kami" ng ex ko pero dahil umiiyak ito ng walang tigil pag sinasabihan ko na hindi niya ako daddy sa awa ko rito ay pinabayaan ko na. Who can resist this cute little boy? Cute kasi talaga ito kahit ako nga na hindi mahilig sa bata fall into his charm ang ayoko lang ay yung masyado itong ini-spoil ni Nana Rena.
"Sorry little boy may iniisip lang si Dada"
"If you feel sorry then kiss Tyler into his cheeks"
Nagtawanan naman kami ni Nana Rena sa tinuran nito.
"You don't like to? So you don't want Tyler anymore." Mangiyak ngiyak nitong turan.
"Aigoo...." Sabi ko at niyakap ito habang hinahaplos ang likuran nito nang dahan-dahan dahil humagulhol na ito.
"I didn't mean it stop crying baby Tyler."alo ko rito.
"I'm not a b-baby anymore."
"If you're not a baby then stop crying."
Nagpunas naman ito ng mga luha niya sa mata.Hinalikan ko ito sa pisngi,napaka sensitive talaga nitong batang 'to.
"Mukhang ang ganda ng gising mo ngayon Calvin." Sabi ni Nana Rena nang mapansin na maya't maya ang ngiti ko.
Naiisip ko pa lang kung pano mahihirapan ang Sky Samandiego na 'yon natutuwa na ako.
"Excited ka ba sa paghandle ng H. Empire?" Tukoy ni Nana Rena sa kompanyang pinamana niya sa 'kin. Nana Rena alone is rich and wealthy without Lolo Miguel. She's an independent woman. Kaya nang naghiwalay sila ay hindi naman siya nahirapan. She have her own assets and share. Kaya niyang mabuhay ng walang Lolo Miguel.
And me the CEO of H. Empire will prove that I can be successful like them. It may take too long to be like my Lolo Miguel dahil kinakatakutan siya sa business industry dahil kahit anong negosyo na pinapasok nito ay napapalago at napapalaki niya ng walang matinding balakid.
"I am very excited and happy to be here Nana Rena."Nginitian ko lang ito.
Baka pagmalaman ni Lola ang mga binabalak ko ay matinding sermon ang ibigay sa 'kin. She never tolerate my bad side pag may nakita siyang mali o masamang ginagawa ko ay laagad niya akong tinatama.
Matapos naming mag-agahan ay pumunta na ko sa kompanya.
"Good morning Sir Calvin. " Bating sabay ng mga empleyado ng company nakatayo ang mga ito sa gilid para sa pagsalubong sa 'kin dahil unang araw ko rito.
Tipid na ngiti lamang ang itinugon ko sa kanila habang ang karamihang babaeng empleyado ay nakatulala . Can't deny that they can't resist my charms.
Dahil kilala akong bilang cold person ay walang reaksyon silang nakuha sa 'kin. Iba ako sa pamilya ko at pagdating sa ibang tao ay ganito ako. Tanging ang pamilya at tunay na nga kaibigan ko lang ang nakakakilala ng tunay na Calvin Andrew Hallestein.
I once a victim of betrayal kaya hindi ko hahayaan na mangyari ulit 'yon.
Habang nakatingin sa mga empleyado ay hinahanap ko ang isang mukha. Hanggang sa may nakita akong pamilyar na tao.
As what I expected. Napangisi akong lumapit sa kaniya. Malinaw kong nakita kung paano namutla ang isang Sky Samandiego sa malapitan.
Tama yan bakla, dapat marunong kang matakot. Natutuwa ako sa nakikita ko. Na saan na ang dating matapang na siya?
"Nice to see you again Mr. Sky Samandiego" Mga salitang magsisimula ng kaniyang kalbaryo ngayon.
"Have a great time here in my Empire."
I like the way he flinched. Like a bunny who is surrendering.
"I'll make sure that everyday you will be having fun here." Hindi ko hahayaan na magiging tahimik ang buhay niya sa loob ng kompanya ko.
Pumasok kaagad ako ng elevator at pinindot ni Mr.Kim ang highest floor. Nang makalabas ay pumasok na 'ko ng opisina. Sumunod naman ang magiging secretary ko.
Tiningnan ko ang babae. Puno ng make-up ang mukha niya at maging ang katawan niya. Ang suot nitong damit ay hapit na hapit sa katawan niya.Naka mini skirt ito kaya makikita ang mahabang biyas nito.
Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa niya habang nakatingin ito sa kin ng malagkit and she's trying to seduce me.
I pointed her dahilan upang mapatingin si Mr.Kim sa kanya.
"I want you to replace her with Sky Samandiego."Ma awtoridad kong sabi. Halata sa mukha ng mga ito ang gulat at pagtataka.
" B-but why Sir?"Tanong ng babae. Halata sa mukha nito ang pagkadisgusto sa takbo ng pangyayari .
Tiningnan ko ito ng walang emosyon. I may love sexy girls at paglaruan sila sa kama. But when it comes to work ayoko ng destruction.
"Dahil gusto ko. " Simpleng sagot ko rito.
"I want him to be here after one hour"Seryoso kong dagdag.Sa takot ni Mr. Kim sa boses ko ay tumalima kaagad ito sa utos ko.
Matapos ang isang oras ay dumating kaagad si Mr Kim kasama si Sky. Halata sa mukha nito ang gulat at takot.
"B-BRIEF!CALVIN KLEIN ay este Calvin Hallestien" Gulat at 'di makapaniwalang turan nito. I can't believe at this point he even manage to call me names.
"You can leave now Mr. Kim" Utos ko rito na ginawa niya naman kaagad.
Now we are alone here at my office ramdam ko ang pagkabalisa nito .
"K-kung ano man yung nangyari ron sa store s-sorry na 'di ko naman talaga kilala kung si-sino ka." Nauutal nitong sabi habang umaatras palapit kasi ako nang palapit sa kaniya.
"I'm really sorry Sir Calvin." Nakikita ko ang unti-unting panunubig ng mga mata niya. Nagsasabing ilang segundo na lang ay babagsak na ang mga luha niya.
"Hindi ko lang lubos na maisip na ang empleyadong pinapasahod ko ng maayos ay hindi ako kilala," malamig kong turan. Sisiguradohin kong pananayuan siya ng balahibo.
Lumakad pa ako nang palapit sa kaniya.
Sa sobrang lapit ko nga naamoy ko na ang gamit niyang perfume.
Why so sweet? sobrang tamis kasi ng amoy nito na parang vanilla and strawberry na nakakaadik amoyin yung hindi mo pagsasawaan. Hindi rin masakit sa ilong kaya hindi ako nababahing.
What are you thinking Calvin Andrew Hallestein! are you out of your mind his a gay! Ang mga kagaya niya ang dahilan kung bakit ka ipinagpalit ng ex mo.
"Maybe my influence is not enough dahil sa hindi mo nga ako nakilala."
"N-No Sir C-Calvin I know its my f-fault."
"Maigi nga siguradong maging secretary kita para lubos mo 'kong makilala.Maybe day by day you will never forget about me."
Ngumisi ako sa muling pagkakataon.
Wala nang maaatras si Sky. I cornered him. Pader na lang sumapo sa kaniyang likod.
Napalunok ito ng laway at nagsimulang mangamatis sa pula ang kaniyang mukha.
Mukhang may epekto yata ako sa sistema niya. Gugulohin ko 'yon at hindi ko hahayaan na mapanatag siya.
I level myself to his ears. Tumahimik ako saglit. Gusto kong kumabog nang kumabog ang dibdib niya sa sobrang kaba at takot sa 'kin.
"WELCOME TO HELL, SKY SAMANDIEGO"