"Gising na prinsesa!" masigla kong bati kay Stephanie kinaumagahan. Nakabalot pa siya ng kumot kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya. Umungol siya. "What?" paos na sabi niya. Hinila ko ang kumot niya. Sakto lang para makita ko ang mukha niya. Nakapikit pa rin siya pero nakasimangot. Napangiti ako. Ang ganda niya pa rin kahit na bagong gising pa lang. "Gising ka na. Aalis tayo." Lalong nangunot ang noo niya. "Where?" "Basta! Tayo ka na!" aniko at tuluyan nang hinila ang kumot niya. Pero mabilis ko ring ibinalik iyon at biglang napatalikod. "Bakit naka-panty ka lang?!" tanong ko sa kanya. Ito kasia ng unang beses na pumasok ako sa kwarto na tulog pa siya. Kaya ngayon ko lang din nalaman na nakasando lang pala siya at panty. "Why? I'm always like this when I sleep." Napapikit a

