"Pa, alis na po ako," paalam ni Mia sa kanyang amang si Leon nang ready na siyang aalis papuntang school niya.
"Ingat ka," bilin naman ng kanyang ama.
"Opo. Kayo rin. Huwag masyadong magpagod, huh?" malambing niyang saad saka niya niyakap ang ama.
Napangiti naman ito sa kanyang ginawa saka siya tuluyang umalis papunta sa school.
Siya si Mia Buenavista 15 years old at dalawang taon na lamang at magtatapos na siya sa kanyang pag-aaral sa high school habang ang kanyang Ate Nayume naman ay nasa pangatlong taon na sa kolehiyo.
At dahil sa isang university nag-aaral ang kanyang ate ay mag-isa lamang siyang pumupunta sa kanilang school at halos every weekend na lamang nila ito nakakasama.
Tahimik na babae si Mia, mahiyain at madalas namimili ng mga babarkadahin. Mataas ang pangarap sa buhay kagaya ng kanyang kapatid.
Gusto niyang makapagtapos sa pag-aaral dahil nais niyang suklian ang paghihirap ng kanilang ama.
Ito na lamang kasi ang nagtataguyod sa kanila magmula ng maagang pumanaw ang kanilang ina dahil sa sakit nito.
Sa pagsisikap na mapag-aral silang dalawa ng kanyang kapatid na si Nayume ay araw-araw na nasa maliit nilang sakahan ang kanilang amang si Leon at buong maghapong nakabilad sa init ng araw ang buo nitong katawan para maitawid lamang ang pamilyang mayroon sila.
Gusto ni Mia ang magkaroon ng magandang maibubunga ang lahat ng paghihirap ng kanilang ama kaya nagsusumikap siya sa kanyang pag-aaral kahit na alam niyang marami pa siyang kakaining bigas bago pa niya maabot ang kanyang mga pangarap.
"Mia!"
Napatingin si Mia sa kanyang likuran nang marinig niya ang mataginting na boses ng kanyang kaibigan at kaklaseng si Liza nang tawagin siya nito.
Napangiti siya nang makita niya itong patakbong lumapit sa kinaroroonan nito.
"Good morning," hinihingal na bati nito sa kanya.
"Good morning din," sagot naman niya saka na sila sabay na pinuntahan ang kanilang room.
A bago pa man sila tuluyang nakapasok ay napatingin si Liza sa kinaroroonan ng iilang kalalakihan na nakatayo sa may di-kalayuan mula sa kanilang kinatatayuan.
"Ang gwapo pa rin talaga niya," bulalas ni Liza habang nakatuon ang mga mata nito kay Arvind, pero iba naman ang kanyang tinititigan. Walang iba kundi ang lalaking katabi lamang ni Arvind na alam naman niyang magkakatropa ang mga ito. Si Paolo!
"Matutunaw 'yan."
Napaawang ang mga labi ni Mia sa sinabi ni Liza at bahagya pa siyang napapiksi nang sa kanyang paglingon ay saka lamang niya napansin na napakalapit pala ng mukha nito sa kanyang mukha.
"Ano ka ba naman, Liza. Gusto mo yata akong halikan, eh," pagbibiro niya rito.
"Titig na titig ka, eh. Crush mo?"
"Ano ka ba? Sino bang tinutukoy mo?" kunwari niyang tanong kahit na ang totoo ay kinakabahan na siya dahil baka napansin na ng kanyang kaibigan ang tungkol sa tunay niyang nararamdaman para kay Paolo.
"Alam ko namang crush mo siya, eh. Ayaw mo lang aminin. Ano, sasabihin ko ba kay James?" tukso pa nito sa kanya.
"James!" mabilis nitong tawag na siyang nagpaalerto sa kanya.
Nakaawang ang mga labing napatingin siya sa kinaroroonan nina Paolo at nakita niyang nakatingin na sa kanila ng grupo nito pati na rin ang binata na siyang nagpakabog lalo sa kanyang dibdib na baka kung ano na lamang ang iisipin nito kung sakali mang malaman nito ang tungkol sa kanyang nararamdaman para rito.
Bigla niyang tinakpan ang bibig ng kanyang kaibigan nang muli na sana nitong tatawagin si Paolo saka niya ito bahagyang itinulak paalis.
"Ano ba! Bitiwan mo 'ko. May ikukwento lang ako kay James," pagpupumiglas nito pero nanatili siyang nakahawak sa magkabila nitong braso habang tinutulak niya ito papalayo.
"James!" sigaw pa nito.
"Tumahimik ka nga. Nakakahiya," saway niya rito pero tinawanan na lamang siya nito.
Talagang wala nang makakapantay pa sa pagiging pilyo ng kanyang kaibigan na hindi niya alam kung papaano niya ito mapapatigil sa nakagawian nito.
"Admirer mo yata ang mga 'yon, ah!" biro ni Arvind kay Paolo habang nakasunod ang kanilang mga mata sa dalawang babaeng nagmamadaling umalis matapos tawagin ng mga ito ang kaibigan.
Napangiti na lamang si Paolo sa tinuran ng kanyang kaibigan.
Hindi na nakapagtataka kung admirer niya ang mga iyon dahil sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang katulad niyang matipuno ang pangangatawan.
Isang magandang lalaki ang isang Paolo James Agustin. 16 years old, mas kilala sa tawag na James at magtatapos na ng high school ng taon ding 'yon. Paolo ang tawag sa kanya ng kanyang pamilya pero mas pinili niyang James ang itawag sa kanya ng mga bago niyang kakilala.
Kahit na sa murang edad niya ay binansagan na siyang babaero dahil mahilig siyang maglaro ng damdamin ng mga babae.
Kahit sino na lamang ang babaeng nagiging karelasyon niya at kahit nga mas matanda pa sa kanya ay pinapatulan niya kaya napag-isipan ng kanyang pamilya na ipadala siya sa kanyang lolo, sa may probinsya para magtino pero mukhang nadadala niya hanggang sa probinsiya ang pagiging babaero nito.
Lahi rin kasi sila ng mga magaganda at gwapo kaya hindi na maipagkakaila kung bakit maraming babae ang nagkakarandapa sa kanya, maraming babae ang humahabol sa kanya.
Pero, kahit na nakailang girlfriend na siya sa mumurahin niyang edad ay talagang walang ni isa sa mga ito ang kanyang sineryoso dahil nga siguro sa pagiging bata pa niya.
"Pero, honestly, pare maganda 'yong kasama ng tumawag sa'yo. Ano nga ba ang pangalan nu'n?"
"Si Mia 'yon," maagap namang sagot ni Mark.
"Mia," sambit ng kanyang utak sa pangalan ng dalaga habang unti-unting lumilitaw sa gilid ng kanyang mga labi ang kakaibang ngiti.
Habang abala ang Mathematics teacher nina Mia sa pagdi-discuss ng kanilang topic ng araw na 'yon ay lihim namang nakasilip ang dalaga sa bintana ng kanilang classroom kung saan malinaw na malinaw sa kanya ang panoorin sina James at ang katropa nito sa paglalaro ng basketball sa malawak na ground ng school campus.
Napangiti siya kapag si Paolo na ang may hawak sa bola at naiso-shoot nito sa ring ang bola.
"Ms. Buenavista?" tawag sa kanya ng kanilang teacher habang siya naman ay nanatiling nakasilip sa labas ng bintana.
"Mia?" tawag sa kanya ni Liza sabay siko sa kanya na siyang nagpagising sa kanya sa kanyang pagpapantasya sa binatang hinahangaan niya ng lihim.
Agad siyang napatingin sa kanyang kaibigan na nasa katabi lamang niya at nasa mukha niya ang pagtataka.
"Bakit?"
Dahan-dahan na ininguso ni Liza ang kanyang teacher na nakatayo sa kanilang harapan habang nakatuon sa kanila ang mga mata.
"Kanina ka pa tinatawag ni Sir Math," pabulong nitong sabi.
Mabilis siyang napatingin sa kanilang teacher at nakita niyang bahagyang nakataas ang kilay nito sa kanya.
"Why are you keep starring outside of the window?" tanong nito sa kanya na siyang naging dahilan ng pagpula ng kanyang pisngi.
"Sorry po," sabi niya sabay tayo.
Napayuko na lamang siya habang nakatingin naman sa kanya ang iba pa niyang mga kaklase.
"Sit down and lend me your ears but if you want to go home, you are free to go," painsulto pang saad nito sa kanya na siyang lalong nagpahiya sa kanya.
"Sorry po, sir," aniya saka siya muling napaupo at ipinagpatuloy naman ng kanilang teacher ang pagdi-discuss ng kanilang lesson.
"Alam ko kung bakit ka napagalitan kanina," pabirong saad ni Liza habang naglalakad sila palabas ng kanilang room.
"Ano?"
"Dahil sa kanya," sagot nito sabay nguso sa bandang gilid niya at hindi niya inaasahang makikita du'n ang lalaking sinisilip niya kanina. Si Paolo!
Agad siyang nagbawi ng tingin nang napatingin ito sa kanya at napansin naman iyon ni Liza kaya lalo lamang siya nitong tinukso.
"Halika na nga," saad niya sabay hablot sa kamay nito para hilain paalis habang patuloy pa rin siya nitong tinutukso.
"Mia!"
Agad siyang napahinto nang marinig niya ang kanyang pangalan mula sa isang lalaking nasa bandang likuran nila at nang lingunin niya iyon ay saka lang siya napamaang.
Parang tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo nang tumambad sa kanyang harapan ang nakangiting si Paolo kasama ang tropa nito habang nakasabit sa balikat nito ang dala-dala nitong backpack.
"Hi?" bati nito sa kanya sabay kaway.
Napalingon si Mia sa kanyang likuran upang masigurong siya nga ang kinakausap nito dahil mahirap na kapag nalaman niyang hindi pala siya tapos expected niyang siya ang kinakusap nito.
"Ano ka ba? Nag-hi na siya sa'yo," kinikilig na tili ni Liza sa kanya sabay hawak sa kanyang braso saka niyo niyugyog.
"Huh?" hindi pa rin makapaniwalang baling niya sa kanyang kaibigan.
"Mia," muling tawag ni Paolo sa kanya.
This time, nasiguro na talaga ni Mia na siya nga ang kinakausap ngayon ng lalaking hinahangaan niya at hinahangaan ng lahat.
"H-hi," nahihiya niyang sabi at sandali siyang nanginginig sa kaba at kilig nang inihakbang ni Paolo ang mga paa nito palapit sa kanya sabay lahad ng kanang kamay nito sa kanyang harapan.
"Can we be friends?" tanong nito na may matatamis na ngiti sa gilid ng mga labi nito.
"Tanggapin mo na," pabulong na saad ni Liza na may patulak-tulak pa sa kanya.
Sapilitan siyang napangiti nang napatingin siya kay Paolo nang mga oras na 'yon habang titig na titig ito sa kanya.
"S-sure. W-walang p-problema," pautal-utal niyang saad.
Kinakabahang tinanggap niya ang kamay nito at nang maglapat ang kanilang mga palad ay naramdaman niya ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang palad na siyang lalong nagpakabog sa kanyang dibdib at halos hindi na rin tumigil sa kapipintig ang kanyang munting puso sa kaba at kilig.
Napangiti si Paolo habang si Mia naman ay hindi alam kung ano nga ba ang dapat niyang gagawin basta ang alam lamang niya ay nanatili lamang siyang nakatitig sa mga mata ni Paolo.
Sa unang pagkakataon ay tumibok na rin ang puso ni Mia para sa isang lalaki.
Ito na nga ba ang sinasabi ng lahat na pag-ibig? Ganito ba talaga ang nararamdaman ng isang pusong sadyang tinamaan ng todo?
Halos nasa isang cloud nine ng mga sandaling 'yon si Mia lalo na nang mahawakan niya ang kamay ng lalaking pinapangarap ng karamihang kababaihang katulad niya.
Sana nga, hindi lang siya nanaginip dahil kung sakali mang nanaginip lamang siya ay mas gugustuhin na lamang niyang huwag nang magising basta ba'y mahahawakan lamang niya nang ganito ang palad ni Paolo kahit na sa panaginip lamang.