CHAPTER 8

1784 Words
"Cheers!" sigaw nilang lima habang nakataas ang hawak nilang basong may lamang alak ng mga sandaling ýon saka sabay-sabay nilang tinungga ang alak na nasa baso nila. "Yehey! Happy birthday, James!" sigaw ni Liza at mukhang tinamaan kaagad sa alak na katutungga pa lamang nito. Katulad ni Mia ay hindi rin sanay ang kaibigan sa inuman. Dahil birthday ni Paolo ay sumama na rin si Mia sa mga ito. Nais din naman kasi niyang mapasaya ang nobyo. Gusto rin naman niyang maranasan ang pumasok sa ganu'ng lugar kahit na isang beses lang bago siya makapagtapos ng high school.  Kahit isang beses din ay hindi pa rin niya naranasan ang uminom ng alak na kasam ang mga kaibigan kaya habang magagawa pa niya ang bagay na ýon ay gagwin niya. Wala namang masama as long as hindi niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral. Hindi naman nawawala sa kanyang isipan ang kanyang mga pangarap sa buhay. Nais lamang niyang masulit ang kanyang kabataan dahil hindi na niya ito magagawa kung sakali mang tatanda na siya. kung uugod-ugod na siya. Nagpaalam siya sa kanyang ama at ang sabi niya ay dadalo lamang siya sa kaarawan ng isa sa kanilang kaibigan. Sinabi pa niyang kasama niya si Liza kaya hindi ito dapat na mag-aalala. Pumayag naman kaagad si Leon dahil may tiwala naman talaga siya sa kanyang anak. Alam niyang hindi gagawa ng mga bagay si Mia na maari nitong ikasisira balang-araw. "Happy birthday, dude!" masiglang saad naman ni Mark saka niya ipinangki ang baso nito sa basong hawak ng kaibigan at agad na tinungga ang laman. Nagsalin ng alak si Arvind sa sarili nitong baso saka nito hinarap si Paolo. "Since, tonight is your birthday, let's celebrate as long as we can!" sigaw ni Arvind saka nito itinaas ang hawak na basong may lamang alak, "Cheers!" muli nitong sigaw na agad naman nilang sinabayang lahat. Nagsaya silang lahat. Since, naka-VIP room sila ay nagagawa nila ang lahat ng kanilang gusto sa loob ng room na ýon. Nag-awitan sila kahit na hindi naman ganu'n kagandahan ang kanilang mga boses dahil sadyang isinilang silang walang talento sa ganu'ng bagay. Nagsayawan na tila bang wala ng bukas. Nakailang dagdag na rin sila ng inumin kaya talagang tinamaan na ang ilan sa kanila pero maayos pa naman ang tindig lalo na ang mga lalaki nilang kasama dahil sanay naman ang mga ito sa inuman. Si Mia naman ay kaagad tinamaan pero hindi naman ganu'n kalasing dahil mas pinili niyang huwag nang dagdag pa ang nainom niyang alak dahil baka malasing siya at dahil na rin sa pasimpleng pagsaway sa kanya ng kanyang nobyo. Isa sa mga bagay na lihim niyang ikinatuwa. Hindi siya hinahayaan nitong malasing dahil sa pag-aalala na baka magalit ang kaniyang ama. Makalipas ang ilang sandali ay napagpasyahan na rin ng magkakaibigan na umuwi na bago pa man sila tuluyang malasing nang tuluyan.  Si Arvind na ang naghatid kay Liza habang kasabay naman nila sa loob ng sasakyan nito si Mark habang si Mia naman ay sa loob siya ng kotse ng nobyo sumakay dahil ito na ang maghahatid sa kanya. "Okay ka lang?" tanong ni Paolo sa kanya habang nakaupo sila sa isang bench na nasa isang park ng mga sandaling ýon. Marahan namang napatango ang dalagita saka ito ngumiti ng kaytamis habang nakatingin sa kanyang nobyo. "Happy birthday," sabi niya sabay dukot mula sa bulsa ng suot niyang jacket ng isang bagay na nakasilid sa isang maliit na box saka niya ibinigay iyon kay Paolo. "What is this?" kunot-noong tanong nito. "Open it," sabi naman niya. Agad na binuksan ni Paolo ang isang box na ibinigay niya rito saka nito nakita ang isang wristwatch na hindi man kamahalan ay ramdam naman ng binatilyo na punong-puno iyon ng senseridad na siyang dahilan kung bakit naging pinakamahal na iyon para rito. "Is this for me?" Marahan siyang napantango at agad naman siyang niyakap ni Paolo nang napakahigpit, "Thank you so much," bulong nito sa kanya saka siya nito kinintilan ng halik sa kanyang noo. Isinuot niya rito ang wristwatch matapos itong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. "I like this," sabi nito habang pinagmamasdan nito nang maigi ang relong bigay niya. Nakadungaw naman sa gilid ng mga labi nito ang matatamis na ngiti dahil sa tuwang nadarama. Nang napalingon sa kanya ang nobyo ay nagkatagpo ang kanilang paningin. Nagkatitigan sila na siyang dahilan kung bakit nagsimula na ring kumabog ng malakas ang dibdib ni Mia. Bahagya siyang napapiksi nang lumapat sa kanang pisngi niya ang kaliwang palad ni Paolo habang nakiipagtitigan ito sa kanya. May kung anong damdamin ang bigla na lamang bumangon sa kanyang dibdib ng makita niyang napatitig sa kanyang mga labi ang nobyo. "I want to kiss you," halos pabulong na saad nito at maya-maya lang ay nararamdaman na lamang niya ang maiinit nitong hiningang tumatama sa kanyang mukha nang dahan-dahang inilapit nito sa kanyang mukha ang mukha nito. Tuluyan siyang napapikit nang tuluyan nang lumapat sa kanyang bibig ang mga labi ni Paolo. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyan hita ng mga sandaling ýon dahil sa hindi niya maiintindihang damdamin. Nakailang beses na rin siyang hinalikan ni Paolo pero bakit ibang damdamin ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling ýon?  Nakaramdam siya ng pang-iinit sa kanyang katawan nang magsimula nang gumalaw ang mg labi ni Paolo. Mas lalo lang siyang nawawala sa kanyang katinuan. Dahil ba sa epekto ng alak sa kanyang katawan? Ganito ba talaga ang mararamdaman kapag nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng alak? Isang hotel ang naging hantungan nilang dalawa. Dahil sa takot na baka malaman ng kanyang ama na uminom niya ng alak ay baka magagalit ito sa kanya kaya naisipan ni Mia na magpalipas muna ng gabi sa labas para naman hindi malaman ng kanyang ama na nakipag-inuman siya. "Ano ýan?" tanong ni Paolo sa kanya nang makita siya nitong hawak-hawak ang kanyang phone habang nakaupo siya sa gilid ng malambot na kamang nandu'n. Kalalabas lamang ni Paolo mula sa banyo dahil naghilamos para naman mabawasan ang lagkit na nararamdaman nito sa katawan. "Tinext ko lang si Papa na hindi ako makakuwi ngayon para naman hindi siya mag-aalala," sagot naman niya. Napatingin siya sa kanyang nobyo nang makita niyang nakatitig ito sa kanya saka nito dahan-dahang inihakbang ang mga paa nito palapit sa kanyang kinauupuan. Agad siyang napaiwas nang bigla ba namang inilapit ni Paolo ang mukha nito sa kanya na siyang labis na nagpakabog sa kanyang dibdib. "What are you doing?" natataranta niyang tanong pero ngiti lamang ang naging sagot ni Paolo sa kanya habang dahan-dahan pa rin nitong inilalapit sa kanya ang mukha nito. Mas lalong nagwawala ang kanyang dibdib nang maramdaman na niya ang init ng hininga nitong dumadampi sa kanyang pisngi. Pasimpleng napahawak siya sa bedsheet na kanyang inuupuan at dahan-dahan na humihigpit ang kanyang pagkakahawak dito. Doon siya kumukuha ng lakas dahil sa kakaibang damdaming nararamdaman niya ng mga sandaling ýon. Wala naman silang masamang ginagawa pero kinakabahan siya ng labis. Kumakabog ang kanyang dibdib dahil sa samu't-saring damdamin. nae-excite siya at the same time natatakot.  Natural lang sigurong ganu'n ang kanyang mararamdaman dahil lalaki ang kanyang kasama sa loob ng isang kwarto na silang dalawa lamang at ang isiping nobyo pa niya ang kanyang kasama ay lalo lamang kumakabog ang kanyang dibdib. Pero, kahit na ganu'n ang kanyang nararamdaman ay nagawa pa rin niyang pumikit na para bang naghihintay sa gagawin sa kanya ng kanyang nobyo. Lihim namang napangiti si Paolo sa nakitang reaksiyon ng kanyang nobya. Kahit na ramdam niya ang kaba nito ay cute pa rin itong pagmasdan. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nitong may hawak ng phone saka niya dahan-dahang kinuha mula rito ang phone nito at bahagya niyang idiniin ang kanyang mga labi sa punong tainga nito saka bumulong. "Hindi ka pa ba maghihilamos?"  Agad na nagmulat si Mia saka ito napatingin sa kanya at nang ma-realize nito kunhg anong katangahan ang ginagawa nito ay agad itong napatayo saka mabilis na tumakbo papasok n banyo habang siya naman ay naiwang nakangiti. Saka lang niya napansin na masarap pa lang asarin ang kanyang nobya. Habang hindi mawala-wala sa kanyang mga labi ang ngiti, si Mia naman ay napasandal na lamang sa pintuan ng banyo at dahan-dahang napadausdos. Sobrang hiya ang kanyang naramdaman nang mapagtanto niyang mali pala ang kanyang iniisip kanina para kay Paolo. Ang buong akala talaga niya ay hahalikan siya nito kaya nito inilapit sa kanya ang mukha nito pero ýon pala ay para asarin lamang siya. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya dahil sa sobrang init ng nararamdaman niya sa kanyang pisngi. Nang tingnan niya ang kanyang sarili sa salamin ay kitang-kiya niya kung papaano iyon namula dahil sa kahihiyan. "Oh, my god! Ano bang ginawa mo, Mia?" tanong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili sa salamin at nakahawak siya sa magkabilang pisngi niya. Nag-inhale, exhale siya para naman ay kumalma ang kanyang sarili saka niya ito binasa ng tubig. Nang matapos siya ay nanatili muna siya ng ilang sandali sa loob ng banyo saka niya naisipang lumabas. Kahit nahihiya pa siya ay kailangan pa rin niya ang lumabas at harapin ang kanyang nobyo. Sa kanyang paglabas ay nakita na lamang niya ang kanyang nobyo na nakahiga na sa ibabaw ng kama at mukhang natutulog na. Nakatagilid itong nakaharap sa side table kung saan nakapatong ang isang lampshade. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit kay Paolo at bahagya siyang napaluhod sa harapan nito. Tinitigan niya ang nakapikit nitong mga mata saka niya dahan-dahang iniangat ang kanyang kanang kamay at saka niya dinama ang makakapal nitong mga kilay at pinasadahan ang ilong nito ng kanyang daliri pababa sa mga labi nito na kani-kanina lang ay angkin niya. "Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ka lang habang-buhay. Mahal na mahal kita, James," saad niya habang nakalapat pa rin ang kanyang hintuturo sa mga labi nito at habang titig na titig siya sa kanyang nobyo ay dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha nito sa planong dadampian niya ito ng munting halik ang mga labi nito pero hindi pa man lumapat ang kanyang mga labi sa bibig nito ay napapiksi na lamang siya nang bigla ba naman itong nagmulat ng mga mata. Napaawang ang kanyang mga labi at bahagyang nanlaki ang kanyang mga labi lalo na at halos one inch na lang ang agwat ng kani-kanilang mga labi mula sa isa't-isa. Mabilis niyang inilayo ang kanyang sarili mula rito pero bago pa man niya iyon nagawa ay mabilis namang naging kilos ni Paolo. Mabilis nitong ikinawit ang kaliwa nitong palad sa kanyang batok at bahagya siyang hinila palapit dito kasabay ng paglapat ng mga labi nito sa kanyang bibig na siyang labis niyang ikinabigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD