Dali-dali niyang pinulot ang kanyang mga nagkalat na damit sa sahig saka niya ito mabilisang muling itinakip sa kanyang katawan na tanging ang kumot lamang ang takip.
Matapos niyang bihisan ang kanyang sarili ay saka niya muling hinanap ang kanyang nobyo sa pagbabasakaling pinaglalaruan lamang siya ng mga sandaling ýon. Muli niyang sinilip ang bawat bahagi ng kwartong ýon pero wala siyang nakitang Paolo sa loob.
Nakaramdam na rin siya ng kakaibang pagtataka sa kanyang dibdib at pangamba lalo pa at nagpa-flashback sa kanyang isipan ang mga napapanood niya sa t.v dati na kung saan matapos tikman ng lalaki si babae ay bigla-bigla na lamang nawawala ang lalaki at hindi na ito mahagip pa.
Piping hiniling niya n asana magkaiba sila ng buhay ng mga bidang babaeng napapanood niya dahil kapag nagkataon ay hindi niya talaga kung ano ang kanyang dapat gawin.
Dinampot niya ang kanyang phone na nasa ibabaw ng side table nakapatogn. Tinawagan niya si Paolo pero hindi niya ito makuntak. Nakailang ulit na siyang sumubok pero hindi talaga niya ito matawagan, naka-off ang phone nito na hindi naman nito kinagawiang gawin kaya hindi talaga mawala-wala sa kanyang isipan ang mag-isip ng kung ano-ano.
“Where are you?” tanong niya sa sarili habang nakatingin siya sa nakangiting picture nilang dalawa ni Paolo na naka-wallpaper pa sa kanyang phone.
Bahagya siyang napapiksi nang biglang tumunog ang kanyang phone at tuwang-tuwnag tiningnan niya sa pagbabakasaling si Paolo ang tumatawag sa kanya ng mga sandaling ýon pero laking pagkadismaya ang kanyang nadarama ng hindi ang pangalan ng kanyang nobyo ang kanyang nakita sa screen ng kanyang phone kundi ang pangalan ng kanyang kaibigang si Liza.
“Hello?” walang kabuhay-buhay na sagot niya sa kaibigan.
“Saan ka natulog kagabi? Bakit hindi ka umuwi?” sunod-sunod nitong tanong sa kanya at bago pa man siya nakasagot ay muli na naman itong nagsalita na tila ba isang reporter na kinikilatis siya ng mabuti patungkol sa naging kasalanan niyang hindi naman niya alam.
“Alam mo bang napatawag sa akin ang Papa mo kanina?” tanong nito sa kanya at nang marinig naman niya ang tungkol sa kanyang ama ay saka niya napagtanto ang kanyang mga ginagawa. “Tinatanong niya kung nasaan ka na at kung bakit hindi ka nakauwi kagabi. Sinubukan ka rin niyang tawagan pero busy ang linya mo kaya sa akin na lamang siya tumawag para alamin kung magkasama ba tayo.”
Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi at kasabay nu’n ay ang pagkabog ng kanyang dibdib sa pagkabahalang nadarama na baka kung ano na ang iniiisp ng kanyang amang si Leon dahil sa hindi niya pag-uwi kagabi na hindi naman niya gawain noon.
“Anong sinabi mo sa kanya?” kinakabahan niyang tanong.
“Siyempre, sinabi kong magkasama tayo at kaya hindi ka nakauwi ay dahil nalasing ka tapos ang phone mo naman ay nawalan ng battery kaya hindi ka niya matawagan.”
Napabitaw siya ng malalim na buntong-hininga at kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin siya sa pagkakaroon niya ng kaibigang handa siyang takpan kahit na alam nitong mali niya.
“Salamat naman kung ganu’n,” aniya habang ang kanyang kaibigan naman ay lihim na nagtataka kung saan siya nagpalipas ng gabi.
“Ngayon, pwede mo na bang sabihin sa akin kung nasaan ka na ngayon, kung bakit hindi ka nakauwi at kung sino ang kasama mo?”
Pasimple siyang nagpakawala ng buntong-hininga dahil baka sa pag-aalala sa maaaring iisipin ng kanyang kaibigan.
“Mia?” tawag sa kanya ni Liza nang nanatili siyang tahimik dahil hindi naman niya alam kung ano ang kanyang sasabihin lalo na at bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Paolo.
Nahihiya siyang sasabihin sa kaibigan ang lahat dahil baka kung ano ang iisipin nito sa kanya. Baka pag-iisipan siya nitong hindi maganda. Baka iisipin nitong ang dali-dali niyang babae.
“Ikukwento ko na lang saýo kapag nagkita na tayo ulit, pwede ba?” tanong niya.
“Hmmm,” tanging sagot nito mula sa kabilang linya.
“Ah, Liza?” tawag niya rito.
“Bakit, may kailangan ka pa ba?”
“Pwede mo ba akong tulungan?” nahihiya niyang sabi na agad namang tinugunan ng kaibigan.
“Ano ýon?”
“Pwede mo ba akong samahang umuwi?”
“Mia, nakapagsinungaling na ako kay tito kaya sana naman---”
“Pangako, hindi na ‘to mauulit pa,” agad niyang putol sa iba pa sanang sasabihin ni Liza sa kanya at wala namang nagawa ang kanyang kaibigan kundi ang pagbigyan siya. Hindi rin naman kasi siya nito matitiis.
“Pa, mano po,” sabi niya kay Leon nang nakauwi na siya at kasama pa niya si Liza para naman may magtatanggol sa kanya kapag hindi na kayang ibuka ng kanyang bibig para sagutin ang anumang maaaring katanungan ng kanyang ama.
“Kawaan ka ng Panginoon,” malumanay na saad ni Leon.
“Pa, pasensiya na po kung hindi ako nakauwi kagabi. Napasobra po kasi ang pag-inom ko kaya nalasing po ako. Nahihiya po kasi akong umuwing lasing kaya mas minabuti ko na lang muna ang matulog kina Liza,” pagsisinungaling niya na agad namang sinang-ayunan ni Liza para mas kapani-paniwala ang kanyang mga sinasabi.
“Pero, sana naman ay tumawag ka para naman hindi masyadong nag-aalala saýo si Papa.”
Muli sa loob ng kusina ay lumabas ang kanyang kapatid na si Nayume na may bitbit pang sandok. Tuwang-tuwang agad siyang napalapit dito saka niya ito niyakap nang mahigpit.
“Ate, kailan ka umuwi?” nakangiti niyang tanong sa kapatid habang yakap-yakap niya ito.
“Kagabi lang,” sagot naman nito at saka siya kumalas mula sa pagkakayakap niya rito. “Magbihis ka na dahil maamoy ka na ng konti. Mukhang kagabi pa ýang suot mo,” puna nito.
Inamoy naman niya ang kanyang sarili para alamin kung nangangamoy na nga ba siya.
“Ang bango ko pa kaya,” sabi naman niya habang inaamoy-amoy niya ang sarili.
“At dahil ba mabango ka pa, hindi ka na rin magbibihis?”
“Heto nan ga. Magbibihis na nga,” parang batang saad niya saka niya nilisan ang mga ito pero bago pa man niya tuluyang inihakbang ang kanyang mga paa papasok sa kanyang kwarto ay muli niyang binalingan ng tingin ang kanyang amang nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng mga sandaling ýon.
“Dito ka na rin mag-almusal, Liza,” baling ni Nayume sa kaibigan ng kanyang kapatid at sapilitan namang napatango si Liza sabay ngiti pero ang totoo ay kinakabahan na rin ito dahil baka mabuking silang dalawa ni Mia na pareho lang pala silang nagsisinungaling.
“Sa susunod, magpaalam ka naman kay Papa kung hindi ka makakauwi para naman hindi ganu’n mag-aalala saýo ang ama natin,” pangaral ni Nayume sa kanyang kapatid habang tumutulon ito sa kanya sa paghahanda ng kanilang almusal, “Mabuti na lang at umuwi ako kagabi at nabawasan ng konti ang pag-aalala niya saýo,” dagdag pa nito.
Pasimpleng napalingon si Mia sa kanyang kaibigang si Liza habang abala rin ito sa pagtulong sa kanila.
“Pasensiya na talaga, ate. Pangako po, hindi ko na uulitin ýon,” aniya.
“Hindi naman masamang makipag-bonding sa mga kaibigan pero sana naman ay mag-set ka ng limitation lalo na at nag-aaral pa kayo,” parang matandang saad ni Nayume.
“Liza, huwag mo sanang masamain ang mga sinabi ko, huh. Sigurado akong ýon din ang gustong sasabihin ng mga magulang mo,” baling nito sa kanyang kaibigan na wala namang alam sa kanyang mga pinaggagawa at nadamay lamang ito.
“Naiintindihan ko po kayo, huwag po kayong mag-aalala, hindi na po ýon mauulit pa,” sagot naman ni Liza sabay taas ng kilay nang napatingin ito kay Mia na para bang sinasabi nitong kasalanan nito kung bakit pati siya ay napagsabihan na rin ni Nayume.
Nang matapos nilang mailagay ng maayos sa ibabaw ng mesa ang mga pagkain ay tinawag na rin ni Nayume ang kanilang ama.
“May utang kang paliwanag sa akin. Sisingilin talaga kita mamaya,” pabulong na saad ni Liza nang nasa sala na si Nayume para tawagin ang kanilang amang si Leon.
Agad naman silang dumistansiya sa isa’t-isa nang bumalik na si Nayume sa loob ng kusina at kasunod na nito ang kanilang ama.
Maya-maya lang ay nagsimula na rin silang kumain at habang nasa hapag-kainan sila ay pinakikiramdaman ni Mia ang kanyang ama na nanatili lamang itong tahimik.
Kapag ganito kasi ang kanilang ama ay alam niyang marami itong iniisip ng mga sandaling ýon at anng kinatakutan niya ay kung papaano na lang kung siya ang laman ng isipan ng kanyang ama.
“Pa, sorry po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo kagabi na hindi ako makakauwi,” nagi-guilty niyang saad at napatingin naman sa kanya ang kanyang ama na pilit siyang iniintindi.
“Huwag mo na sanang uulitin ýon,” may kalamigan nitong saad at napatingin naman sa kanya ang kanyang kaibigang si Liza dahil naramdaman din nito ang kalamigan sa boses ng kanyang ama matapos nitong sabihin ang huli nitong sinabi.
“Hindi ko naman kayo pinagbabawalang gawin ang mga gusto niyo pero sana naman ay alam ko para naman hindi na ‘ko kailangang mag-aalala pa,” dugtong pa nito habang siya naman ay nakayuko na lamang habang pilit na itinatago mula sa mga ito ang guilty na kanyang nadarama.
“Mia?” Napaangat siya ng mukha matapos tawagin ng kanyang ama ang kanyang pangalan, “Para saýo ang lahat ng mga sinasabi ko kaya sana, huwag mong hayaaang dadaan lang sa magkabilang tainga mo ang lahat ng mga narinig mo,” pahayag ng ginoo habang si Nayume naman ay nanatiling tahimik sa tabi niya at nakikinig sa bawat katagang binibitawan ng kanilang mahal na ama.
Dahil weekend ay hindi makakapunta si Mia sa kanilang school para naman ay makita ang kanyang nobyo upang malaman kung nasaan na ito dahil hanggang sa mga sandaling ýon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan na ito matapos siya nitong iwan na lamang.
Muli naman niya itong tinawagan pero hindi pa rin talaga nito makuntak kaya mas lalong lumago ang pag-aalala sa kanyang puso nab aka pagkatapos siya nitong angkinin ay saka lang siya nito iiwan na parang isang basura.
Nakailang message na rin siya rito pero kahit blangko ay wala siyang natanggap na response mula rito na siyang unti-unting nagpapawasak sa kanyang puso.
“May problema ka ba?”
Agad niyang pinatay ang kanyang phone nang marinig niya azng bosesng kanyang kapatid na kapapasok lamang sa kanyang kwarto.
“Wala naman po, ate,” pagsisinungaling niya kahit na ang totoo ay nababalot na ng pangamba ang kanyang puso dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang nobyo.
“Eh, bakit nagmukha kang namatayan dito?” tanong nito saka ito napaupo sa kanyang tabi sa gilid ng kama.
“Naaalala ko lang ang ginawa ko kagabi, ang hindi ko pag-uwi tapos hindi pa ‘ko nagpaalam kay Papa. Nag-aalala pa tuloy siya nang dahil sa akin.”
Isa rin iyon saa nagbibigay sa kanya ng pangamba sa kanyang puso. Ayaw kasi niyang mag-isip ng hindi maganda ang kanilang ama sa kanya.
“Hayaan mo na. Alam kong naiintindihan ka rin ni Papa,” saad ni Nayume.
“Sorry po talaga, ate,” mangiyak-ngiyak niyang pahayag at niyakap naman siya ng kanyang kapatid.
“Wala ýon. Kalimutan mo na ýon, okay?”
Napatango siya sa sinabi ng kanyang kapatid. Malaki rin ang kanyang pasasalamat dahil nagkaroon siya ng pamilyang handa siyang intindihin kahit na sa panahong nagkakamali siya.