Nagpatuloy ang buhay ni Mia at ganu'n na rin anzg relasyon nilang dalawa ni Paolo. Masaya naman ang kanyang kaibigan para sa kanya dahil nakikita naman nito kung papaano siya aalagaan ng kanyang nobyo.
Dahil sa kabaitan na ipinapakita nito sa kanya ay wala na siyang ibang masasabi pa. Ang damdamin niya para kay Paolo ay lalo lamang lumalalim dahil sa kabutihan nito sa kanya. Maalaga at talagang nasa kanya ang atensiyon nito na siyang ikinainggit naman ng ibang studyante sa kanya.
Hindi kasi maipagkakaila na bukod sa pagiging gwapo ni Paolo ay talagang malakas ang s*x appeal nito kaya hindi na nakapagtataka kung bakit maraming kababaihan ang nangangarap na kahit saglit ay masulayapan ng kanyang nobyo.
"Akala mo kung sinong maganda, eh kahit anong gagawin niya hindi naman talaga siya nababagay kay Paolo," narinig ni Mia na saad ng isang babae habang nasa loob siya ng isa sa mga cubicle na nandu'n sa loob ng comfort room ng school.
"Oo nga. Ano bang pinakain niya kay Paolo at talagang siya pa ang natipuhan?" tanong naman ng isa pa habang pinapahiran ng pulbo ang sarili nitong mukha sa harapan ng isang salamin.
"If I were Paolo, hindi ko seseryusuhin ang kagaya niyang babae kasi look at her, kahit na sa dulo ng kuko ko, wala siyang kalaban-laban."
Lihim niyang ikinuyom ang kanyang palad dahil sa mga salitang kanyang naririnig mula sa mga ito pero wala naman siyang balak na gumawa ng eksena dahil lang sa mga walang kwentang bagay.
"Exactly, girl. Kahit saan mo ilagay ang babaeng ýon, walang papansin du'n dahil sa taglay niyang kapangitan," segunda pa ng isa na siyang lalong nagpadurog sa kanyang munting puso.
Ganito nga siguro kapag nagmahal ka ng isang lalaking habulin ng maraming babae, aasahan mo talagang marami ang magagalit saýo, marami ang magtatanog kung nababagay ka nga ba sa kanya o hindi. Marami ang magtatanong kung ano nga ba ang pinakain mo sa kanya kung kaya ikaw ang nagustuhan, ikaw ang piniling mahalin kahit na marami namang mas nakahihigit pa saýo.
"For sure, isa lang din siya sa mga collections ni Paolo," natatawang saad ng kausap nito.
"That is not impossible. Sinong lalaki ba kasi ang seseryoso sa kagaya niya?"
Naipikit ni Mia ang kanyang mga mata habang pinipigilan ang sariling luha mula sa pagdaloy. Ayaw niyang umiyak dahil sa mga salitang narinig niya kahit na masakit para sa kanya. Ang kailangan lang niyang ipaaalala sa kanyang sarili ay mas nakakahigit siya sa mga ito dahil siya ang minahal ni Paolo at hindi ang mga ito.
Kaya kung sa pagandahan, natatalbugan niya ang mga ito dahil sa kanya nahuhumaling ang lalaking pinapangarap ng mga ito.
Maya-maya ay narinig niya ang mga yapak ng mga ito palabas ng comfort room habang naghahagikhikan dahil sa huli nitong sinabi.
Dahan-dahan siyang lumabas mula sa kinaroroonan niyang cubicle habang lihim na nasasaktan ang kanyang puso sa mga naririnig. Pilit niyang pinapakalma ang sarili para naman sa kanyang paglabas mula sa du'n ay magagawa pa rin niya ang mapangiti.
Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin at dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang mukha. Oo nga, hindi niya taglay ang pang-miss universe na beauty pero kahit papaano ay may taglay din naman siyang kagandahan na wala sa ibang babae.
"Hayaan mo na sila."
Napatingin ni Mia sa salamin at nakita niya ang isang babaeng estudyante rin sa school na ýon na kalalabas lang nito sa isang cubicle na pangalawa galing sa cubicle na kinaroroonan niya kanina.
Malamang, narinig nito ang usapan ng mga babae kanina patungkol sa kanya.
"Ganu'n talaga ang ibang babae kapag na-insecure. Hahanap talaga sila ng mga bagay para lang may masabi sila tungkol saýo," dagdag pa nito habang naghuhugas na ito ng kamay nito sa kanyang tabi.
"I am Irish," pagpapakilala nito sa kanya sabay lahad ng kanan nitong palad sa kanyang harapan. Magaan naman sa kanyang kaloobang tinanggap niya ito.
"Mia," sabi niya sabay tanggap sa palad nito sa kanya. Napangiti siya nang ngumiti ito sa kanya. Magaan ang kanyang kalooban sa bagong kakilala. Though, matagal na niya itong napapansin sa kanilang campus, ngayon lang talaga siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ito.
"Hayaan mo na ang mga iyon. Inggit lang ang mga ýon," sabi nito habang magkasabay silang naglalakad sa hallway ng school.
"Dapat ka na ring masanay dahil hindi naman talaga maipagkakaila na ang boyfriend mo ay habulin ng marami kaya expected na marami ang galit saýo at marami ka talagang maririnig na masasakit na salita. Ang mga ganyang tao, alam na nating gagawa at gagawa pa rin ang mga ýon ng mga bagay na masasabi tungkol saýo," mahaba-haba nitong litanya sa kanya saka ito napahinto sa paglalakad at hinarap siya.
"Lakasam mo rin ang loob mo para may kakayahan kang labanan ang mag inggitirang mga ýon," pagbibiro nito na may sense din naman kahit papaano.
"Salamat talaga sa mga sinabi mo," malumanay niyang saad habang nasa gilid ng kanyang mga labi ang ngiti.
"Mia, saan ka ba nanggaling?" tanong ng kararating lang na si Liza.
"Nag-cr lang naman ako," sagot naman niya. Napatingin si Liza kay Irish saka ito napatingi uli sa kanya na para bang nagtatanong kung sino nga ba ang kasama at kausap pa niya.
"Ah, siyanga pala, Irish siya nga pala ang kaibigan at kaklase kong si Liza," pagpapakilala niya sa kanyang kaibigan, "Siya naman si Irish, bagong kaibigan," baling niya kay Liza.
Matamis na napangiti si Irish kay Liza at ganu'n din naman ang kanyang kaibigan sabay nagkamayan ang dalawa.
"Nice to meet you, Liza, " ani Irish.
"Nice to meet you, too Irish," saad naman ng kanyang kaibigan.
"Paano mo naging kaibigan ýon?" tanong ni Liza sa kanya nang silang dalawa na lamang habang naglalakad sa ground ng school.
"We met in the comfort room awhile ago," matapat naman niyang saad at bahagyang napaawang naman ang mga labi ng kanyang kaibigan dahil sa kanyang naging sagot.
"Awhile ago?" hindi nito makapaniwalang tanong. Marahan naman siyang napatango bilang sagot sa naging tanong nito sa kanya.
"Tapos, sasabihin mong kaibigan mo na siya?" muling tanong nito. Nasa boses talaga ng kanyang kaibigan ang pagtataka kung bakit ganu'n kabilis para sa kanya upang kilalanin ang isang tao bilang kaibigan na niya.
"Wala namang masama kung kaibigan na nag turing ko sa kanya at isa pa, mukha naman siyang mabait, eh."
"Mukha? Mukha lang ýon, Mia. Alalahanin mo ang sinasabi ng ibang tao, don't judge the book by its cover," paalala nito sa kanya, "Maraming matatapang ang mukha pero mabait naman at meron din namang mababait ang mukha na akala moý hindi makakabasag ng pinggan pero malalim pala ang tama. May itinatago palang kademonyuhan," dagdag pa nito.
Napahinto siya sa kanyang paglalakad saka niya matapang na hinarap ang kanyang kaibigan na daig pa ang isang inang nagpapangaral sa anak.
"Ikaw lang din ang nagsabing don't judge the book by its cover kaya huwag mo munang i-judge si Irish dahil hindi pa naman natin siya kilala," pagtatanggol pa niya sa bago niyang kaibigan.
'Kaya nga, hindi pa natin siya lubos na kilala pero mukhang tiwalang-tiwala ka na sa kanya."
Napatingin siya sa unahan dahil parang bumalik naman sa kanya ang naging pahayag niya.
"Hindi masama ang makikipagkaibigan sa kakakilala pa lamang. Ang masama du'n, eh ýong nagtitiwala ka na kaagad kahit hindi mo pa siya kabisado. Alalahanin mong maaari mong ikasama ang pagiging sobrang mabait mong tao."
Natahimik na lamang siya sa sinabi ni Liza. May point din naman kasi 'to. Kakakilala pa lamang niya kay Irish pero may tiwala na siya rito. Ganu'n nga siguro talaga lalo na kapag nakikitaan mo ng kabaitan ang isang tao kahit sa unang encounter niyo pa lamang.
Matulin na lumipas ang ilang araw at naging buwan, nagpapatuloy pa rin ang relasyon nina Mia at Paolo sa kabila ng maraming tutol. Lagi namang sinasabi sa kanya ng nobyo na kahit na anong mangyari, kahit na buong mundo pa ang hahadlang sa kanilang dalawa ay hindi dapat silang magpapaakpektong dalawa dahil at the end of the day, sila pa rin naman ang makikinabang sa kung anumang relasyong mayroon silang dalawa.
Kahit na hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa rin naririnig ni Mia mula sa mga labi ni Paolo ang salitang mahal siya nito ay hindi na niya iyon pinansin pa, ang mahalaga ay ipinapakita at ipinapadama sa kanya ng kanyang nobyo ang tunay nitong pagmamahal sa kanya. Ang tanging hiling lamang niya ay sana, hindi kailanman magbabago ang pagmamahal sa kanya ni Paolo dahil siguradong hindi niya kakayanin iyon.
Mahal niya ito. Mahal na mahal.
"Ba't nakasimangot ka diyan?" puna ni Liza sa kanya nang mapansin siya nito. Kaninang umaga pa siya walang gana, wala sa mood. Walang ganang makipag-usap.
Sino ba naman kasi ang hindi sisimangot kung 1st monthsary nilang dalawa ni Paolo ay hindi man lang siya binati nito. Sinundo nga siya nito sa kanila habang nagtatago mula sa kanyang ama dahil takot naman siyang makita sila ni Leon, hindi pa kasi niya nasasabi sa ama ang tungkol sa kanyang relasyon kay Paolo. Saka na kapag handa na siyang ipakilala ang nobyo sa kanyang pamilya.
Nakarating na lamang sila sa kanilang school ay talagang walang imik si Paolo. Hindi siya nito binati. Hindi ito nagsasalita tungkol sa kung anumang mayroon sa araw na ýon.
Unang buwan nila bilang magnobyo at magnobya pero mukhang hindi iyon natatandaan ni Paolo. Mukhang hindi mahalaga para rito ang kanilang relasyon.
"Supposedly, today is our first monthsary pero, hindi man lang niya ako binati," malungkot niyang saad.
"Monthsary niyo na pala ngayon? Ang bilis talaga ng takbo ng panahon. Happy first monthsary, besh," nakangiting saad ni Liza sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
Mapait naman siyang napangiti sa kaibigan. Hindi niya feel ang pagiging masaya sa araw na ýon dahil kay Paolo.
"Hayaan mo na, baka busy lang ang boyfriend mo," payo nito sa kanya saka siya nito inakbayan. "Gusto mo bang mag-milktea?" tanong nito pagkaraan.
"Libre mo 'ko?" pagbibiro niya.
"Haist! Sige na nga, total monthsary niyo naman ngayon."
Kahit papaano ay napangiti naman siya ng kanyang kaibigan. Pagkatapos ng kanilang klase ay agad siya nitong dinala sa isang food stall na malapit lang sa kanilang school saka siya nito binilhan ng milktea. Umupo sila sa bench na nandu'n habang nagkukuwentuhan nang may isang batang lalaking lumapit sa kanila na may dalang isang red rose saka nito inabot kay Mia.
"Para po sa inyo, ate," sabi nito na siyang ikina taka niya ng labis.
"Saan galing 'to?" tanong niya sa bata.
"Titingala po kayo sa langit saka humiling habang hawak niyo ang bulaklak at sigurado po'ng magkakatotoo ang anumang hihilingin niyo," sabi nito sa halip na sagutin ang kanyang tanong.
Nagkibit-balikat na lamang din si Liza nang binalingan niya ito ng tingin na para bang humihingi siya ng paliwanag kung ano nga ba ang sinasabi ng bata sa kanya.
Agad na umalis ang bata habang wala namang naiiintindihan si Mia sa kung anong mayroon at bakit inabutan siya ng bulaklak ng batang hindi naman niya kilala.
"Mas mabuti pang gagawin mo na lang ýong sinabi ng bata. Ihiling mo na sana, maalala ng boyfriend mo ang tungkol sa araw na 'to."
Napabuntong-hininga siya saka niya sinunod ang sinabi ni Liza. Tumingala siya saka niya ipinikit ang kanyang mga mata at piping hinihiling na sana, maalala ni Paolo kung gaano ka-special sana para sa kanilang dalawa ang araw na 'to.
Nang matapos siya sa kanyang ginawa ay agad niyang ibinaba ang kanyang mukha at dahan-dahan na inimulat ang kanyang mga mata at sa kanyang pagmulat ay ang unang tumambad sa kanyang mga mata ay ang nakangiting mukha ng kanyang nobyong si Paolo!