Chapter 36

1163 Words

"Magtanong ka na," sabi ko kay Tom habang sakay kami ng kotse niya at inihahatid niya ako pauwi sa bahay ko. Alam kong kanina pa niya ako gustong tanungin tungkol kay Craig ngunit nag-aalangan siyang magtanong sa akin kaya inunahan ko na siya. "About what?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Saglit lamang niya akong sinulyapan pagkatapos ay ibinaling na kaagad sa harapan ang kanyang mga paningin. "Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko," sagot ko sa kanya habang nasa daan nakatutok ang aking paningin. Narinig kong humugot ng malalim na buntong-hininga si Tom bago nagtanong ng mga nais nitong malaman. "Paano mo nakilala si Captain Craig De Silva? Hindi ka naman mahilig makipag-sosyalan. At alam ba niya na isa kang assassin?" Ilang segundong muna ang pinalipas ko bago ko sina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD