Nagising ako sa loob ng ospital at binabantayan ni Craig. I didn't die. Hindi nagtagumpay si Soriano na mapatahimik ako. Kaya magtago na sila dahil maniningil ako sa oras na makalabas ako rito sa ospital. "Shanra! Thanks God you're already awake," natutuwang reaksiyon ni Craig nang makita niyang gising na ako. Agad niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit. "S-Sandali lang, C-Craig. Hindi ako makahinga," reklamo ko habang itinutulak ko siya palayo sa akin. Agad naman niya akong binitawan nang mapansin niya na halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "I'm sorry. Masayang-masaya lamang ako na nagising ka na. Alam mo ba kung hindi kita agad nadala rito sa ospital ay tiyak na hindi ka na magigising?" Tumango ako sa sinabi niya. "Yes. I know. Tinurukan ak

