Pagkatapos naming kumain sa restaurant ay agad na akong nagpaalam kay Craig at Gino. Pakiramdam ko ay hindi bumaba sa tiyan ko ang kinain ko. Konti nga lang ang nakain ko dahil hindi ko malunok ang kinain ko sa sobrang talas ng tingin sa akin ni Craig. Maingay ang mesa namin dahil sa malalakas na bagsak nito ng kutsara sa pinggan. Tila wala naman itong pakialam kung pagtinginan man ito ng ibang mga kumakain dahil sa ingay na nililikha nito. Kaya nang matapos na akong kumain ay agad akong nagpaalam sa kanilang dalawa. Hindi ako nagpaka-plastik kaya hindi na ako nagpaalam kay Veron na halatadong natuwa nang magpaalam ako. Hindi pa ako nakakalapit sa aking kotse ay pinindot ko na ang unlocked button ng remote nang kotse ko para mabuksan agad. Eksaktong kauupo ko pa lamang sa driver's seat na

