Six sharp ay dumating si Craig na guwapong-guwapo ang hitsura. Fresh na fresh ang hitsura at mukhang bagong gupit pa. Hindi ko napigilan ang mapailing at lihim na mapangiti. Obvious naman na nagpa-guwapo siya dahil makikipagkita siya sa akin. "Saan mo gustong kumain, My.lady?" biro niya sa akin habang nakasakay kami sa kanyang kotse. "Hindi ba ako ang magde-decide kung saan tayo kakain?" paalala ko sa kanya at saglit ko siyang sinulyapan. "Yeah, I know. Kaya nga tinatanong kita kung saan mo gustong kumain para maihatid kita sa lugar na kakainan natin," nakangiti niyang sagot sa akin. Napansin ko na mas magaan na kaming nag-uusap ngayon kaysa noong una at pangalawang beses kaming nagkita at nagkausap. "Then, let me drive your car," sabi ko sa kanya. Walang tanong na inihimpil nito sa ta

