Nagising ako na nakahiga sa isa isang higaan na parang hospital bed. Nakakadena ang aking magkahiwalay na mga paa at pati na rin ang aking mga kamay. Hindi na nanghihina ang aking pakiramdam ngunit hindi pa rin ako makagalaw masyado dahil sa mga kadenang nakatali sa aking mga kamay at paa. Inilibot ko ang aking mga paningin sa lugar na kinaroroonan ko para makita ko kung anong klaseng lugar ang kinaroroonan ko. Ang hula ko ay nasa loob ako ng isang laboratory. Damn it! Nasa loob yata ako ng laboratory kung saan parang baboy na kinakatay ng mga tauhan ni Mr. Soriano ang kanyang mga nagiging biktima. Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas at pumasok sa loob ang tatlong tao kasama na si Roberto Soriano na malapad ang ngisi sa mukha habang naglalakad palapit sa akin. "Gising ka n

