Hinayaan ko lamang si Craig na maglabas ng kanyang sama ng loob dahil sa pagkabigo niyang mahuli si Silent Assassin, which is me. Hinihintay ko na madulas siya sa pagsasalita at mabanggit niya sa akin kung kanino niya nalaman na target ko si Malou Madrigal. "I felt useless. Dalawang beses na akong napahiya ng Silent Assassin na iyon. Pinagtatawanan na ako sa buong departamento because I always failed to catch that bastard!" nagtatagis ang mga ngipin na sabi pa ni Craig. Not knowing that the bastard he was looking for is right beside him. "Ganoon ba talaga kahalaga sa'yo na mahuli si Silent Assassin? Paano kung may dahilan pala siya kung bakit niya ito ginagawa?" "May dahilan man siya o wala I will still catch him. I will make him pay for the humiliation that he brought on me." "Paano m

