My EverLusting Love 14

691 Words
IVAN'S POV " LECHE ka alvin " wika ko sa kaniya ng matapos niya akong halikan nalamang bigla. Tss! Akala ko pa naman kung anong dumi. Mangiinis naman pala. " sus! Mas matamis pa dyan halik ko sa lecheflan na kinakain mo " sabi niya habang tapos ng kumain. Well mabilis lang naman to maubos kasi mukhang nagtitipid sila dito ng pagkain at ang mahal naman. Mas okay nalang siguro sa fastfood restau nalang kami kumain. " matamis ka dyan?! Tse! " habang subo ang last na pakain. Ayst! Kulang talaga wala pang rice! Ano ba to?! Ang arte hindi naman mabubusog dito. Makalipas ang 15 minutes ay nag aya na akong umalis kame kasi nabobored na ako. Parang nakakabingi sa loob. Buti pa sa fastfood restau may nagsisigawan. " alvin punta tayo sa may mga arcade maglaro tayo " aya ko. " luh? Ayoko! Nakakapagod! " sabi niya. Haist! " anong nakakapagod? Halika na! " at agad ko siyang hinila dahil may alam akong mall na may mga laro laro. ALVIN'S POV At heto ako ngayon sa WORLD OF FUN na pang batang mga laro. Tangina! Ang corny ayoko dito. " alvin bilis! Bili ka tokens " siya " luh? Bat ako ang bibili e ikaw ang nag aya dito? " sabi ko sa kaniya " aba! Ikaw naman ang mapera satin dito ah. Bumili kana! Naghihintay ang cashier " utos niya. Aba? Nanguutos na? " hinde! " sabi ko sa kaniya at bahangyang aalis na sana " Alvin pleasee!!! Mag dagdag ka nalang ng isa pang rounds sa kasunduan natin bili ka lang ng tokens " sabi niya at nagpuppy eyes sakin. Hahaha natawa ako sa dagdag. " aba! Ikaw na ang nagdedesisyon? " sabi ko at nagtaas kilay sa kaniya. " sigena! " takte! Parang bata na ang gago! Ang sarap ng ipalo ang pwet at fingerin agad. " ahh? Excuse me sir? Bibili po ba kayo? O mag love  quarrel nalang dyan? " biglang tanong ng babaeng cashier. Tumingin naman ako sa kaniya. Tsk! Agad ko kinuha ang wallet ko at nagbunot ng 1k at binigay sa cashier. " ilan po? " tanong ng cashier " lahat na yan. Magkano ba isang tokens? " tanong ko " 5pesos po " cashier " sus! Ang mura lang naman pala hindi pa maafford ng bata na to sa tabi ko " sabi ko at tumingin sa Ivan nato. " ewan ko sayo! Dyan kana ! " siya at kita kong bitbit na niya ang supot ng tokens. Luh? Wala man lang thank you? " hehe. Ang cute niyong dalawa sir. Bagay na bagay kayo. SS sa inyo sir " sabi nung caashier. Hah? SS? ano yun? Hindi ko na pa pinansin at agad hinanap si Ivan na hindi ko alam kung saan na. Mga 3mins din ang paghahanap ko sa gago na yun! At dun nakita kong nakasakay na sa bumper car. " Hoy! Ivan bat mo kinuha lahat ng tokens? Wala ka man lang thank you " sigaw ko sa kaniya habang siya at tuwang tuwa na nakikipag banggaan sa mga ibang nadadrive din. Pinagmamasdan ko nalang muna siya. Tss! Bat cute siya ngayon tignan kahit astang bata? At bakit ako nacucute-an sa mokong nato? Mga 4 mins na nadun padin siya. Nakikibanggaan at agad kong nakita ang isang lalaki na may kagagwapuhan naman pero mas gwapo pa ako na hinahabol si Ivan tila kanina pang nakikipagbanggaan. Sa sobrang tuwa nila nagside to side ang bumper ka nila at napahawak niya si Ivan sa balikat at bigla akong nainis at biglang pumasok sa loob kung saan maraming nahahabulan na ibang bumper car. " hoy! Ivan! Bumaba kana dyan " sigaw ko sa kaniya. " hah? Bakit? Nag eenjoy pa ako eh " siya " nag eenjoy? Dyan sa lalaking habol ng habol sa yo? " inis ko. Takte bat ako naiinis? " luh? Nagseselos? " biglang sabi niya at bigla akong napaisip? Nagseselos nga ba ako? " a-at bakit ako magseselos? " sabi ko at nabigla ako sa ginawa ni Ivan. Agad niya akong binigyan ng halik sa pisngi. " yan. Para hindi kana mabeastmode at pang thank you ko narin " wika niya Hindi ko alam pero may biglang kumakabog sa dibdib ko. Why? Bat parang napakalma naman ako dahil dun? Anong nangyayari? Itutuloy........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD