CHAPTER 2 “THE NEW BOSS”

1944 Words
Matamis na ngiti ang pumunit sa mga labi ni Isla nang pagbukas niya ng magazine ay bumungad sa kaniya ang isang pamilya na mukha, walang iba kundi si Chef Vincent Del Carmen, ang pinakagwapong lalaking nakilala niya. Parang kailan lang, ngayon sikat na sikat ka na. Naiisip mo parin ba kaya ako? Iyon ang kabilang bahagi ng isipan ni Isla. Katulay niya ay mula rin sa San Jose si Chef Vincent, isa iyong maliit na bayan sa Pampanga. Pampanga is a province in Central Luzon that is also known to be the Culinary Capital of the Philippines. Marami siyang alam tungkol kay Vincent pero mas pinipili niyang itikom na lamang ang bibig niya sa lahat ng pagkakataon. Dahil kung sakali, alam naman kasi niyang walang maniniwala sa kaniya. Nasa ganoong estado siya ng kaniyang pag-iisip nang marinig ang mahihinang pagtawag sa kaniya ng kung sinong nasa may pintuan ng pantry, nilingon niya iyon. "Bakit? Ano 'yun?" ang magkasunod niyang tanong kay Lorrie na katulad niyang kahera rin sa restaurant. "Ang sabi ni Miss Cherry may staff meeting raw tayo in a few minutes. Halika na?" sagot nito. Tumango doon si Isla saka sinimulang ayusin ang kaniyang sarili. Ang meeting ay ginanap sa mismong opisina ng kanilang big boss. Nasorpresa pa siya nang makitang nakaupo sa may kabisera ng mesa si Randy Villegas, ang kasalukuyang CEO ng Festive. "Miss Madrid, dito ka maupo sa tabi ko," ani Randy na itinuro ang silya sa bahaging kanan nito. Si Cherry ang nakaupo sa silyang katapat ng kaniya ay binigyan naman siya ng makahulugang titig. Habang siya noon ay tinugon naman ito ng warning look. Hindi lang naman siya ang nakakahalata sa kakaibang atensyon na ipinakikita sa kanya ni Randy. Anong klase ng babae ang tatanggi sa kanilang big boss? Gwapo, mayaman, mabait. Pero iba kasi ang katuwiran niya. Ang mga katulad ni Randy ay hindi babagay kailanman sa isang katulad niya. Paano niya nalaman? Iyon ay dahil narin sa kasabihang experience is the best teacher. At iyon ang nangyari sa kaniya ilang taon na ang nakalilipas na nakapagturo sa kaniya ng maraming bagay tungkol sa buhay. Nang marinig niya ang pagtikhim ni Randy bago ito nagsalita ay noon naman tila nakabalik sa kasalukuyan ang lumilipad na diwa ni Isla. "Good afternoon, I know this meeting came unannounced. And since the restaurant is open we decided to divide you into two groups," simula ng boss nila. Kinakabahan na nagpakawala ng isang banayad na buntong hininga si Isla. “Maybe the news about management change has reached you? The reason that I asked for this meeting is to let you guys know that starting next week someone else will start to run this company. And---," Parang isang tao silang naglingunan sa gawi nang pintuan nang marinig nila ang magkakasunod na pagkatok mula roon. "Sir, nandito na po siya," ang sekretarya ni Randy ang sumilip sa pintuan. Noon tumango si Randy saka tumayo. "Guys, I want to introduce to you all the new CEO of Festive, your new boss. Chef Vincent Del Carmen!” Ang pangalang binanggit na iyon ni Randy ay nagmistulang dagundong ng malalakas na kulog sa pandinig ni Isla. Napatayo siya na parang wala sa sariling katinuan habang nanlalamig ang buo niyang katawan. Sa isang iglap ay naramdaman niya ang tila ba biglang pagkipot ng silid na nagbigay ng dahilan sa kaniya upang mahirapan siyang huminga. Alam niyang wala ng kulay ang kaniyang mukha, lalo nang mapuna niyang sa kaniya natuon ang paningin ng bagong dating sa paraan na tila ba inaasahan na nitong makikita siya nito doon. Masyado itong composed katulad ng dati, to the point na nakaka-intimidate. Nanginginig ang mga tuhod niya maging ang buong katawan niya. Parang wala siya sa sarili niyang magkakasunod na lumunok. At ang sumunod na nangyari ay ang tuluyan na nga niyang pagbagsak dahil nawalan siya ng malay. ***** SIX YEARS AGO... "Bilisan mong kumain, matutulog na ako, ikaw na ang bahala sa mga ito, naiintindihan mo ba?" tanong-bilin sa kaniya ng madrastang si Aida sa karaniwan na nitong istriktang tono. Isang taon narin ang matuling lumipas mula nang magsimulang magsama ang kaniyang ama na si Artemio at ang madrasta nga niyang si Aida. "Sige po, Tita Aida," aniyang sinimulang kainin ang dalawang piraso ng tuyo na ibinigay sa kaniya ng kaniyang madrasta bilang kanyang hapunan. Noon na lumabas ng kusina si Aida para matulog. Ang extension ng dirty kitchen ay ang maid's quarter kung saan siya mayroong sariling silid habang ang tatay niya at si Aida ay magkasama naman sa isang katabi ng okupado niya. Katiwala ang Papa niyang si Artemio sa mansyon na iyon na pag-aari ng mga Del Carmen sa loob nang napakatagal nang panahon. At ang totoo pa, hindi niya tunay na ama si Artemio. Dina ang pangalan ng nanay niya. Dati itong waitress sa isang club at ayon sa ama niya ay doon nito unang nakita ang kaniyang ina at noon rin ito unang umibig rito. Pero dahil narin sa katotohanang alam nitong hindi nito kayang bigyan ng maganda at komportableng buhay ang kaniyang ina ay mas pinili nitong huwag aminin kay Dina ang tunay nitong nararamdaman. Kaya naman nang mamatay ang nanay niya dahil sa panganganak nito sa kaniya hindi nagdalawang isip si Artemio na kunin siya at ituring na parang isang tunay na anak. At iyon ang dahilan kung bakit hindi siya gusto ni Aida. Dahil iyon marahil sa nararamdaman nitong selos para sa kaniyang ina. Nasa ganoong pag-iisip si Isla nang makarinig ng pamilyar na ingay ng sasakyan. Agad na lumukso ang kaniyang puso at hindi nagtagal ay pumasok na sa pintuan ng kusinang iyon ang pinakagwapong mukha na nasilayan niya sa buong buhay niya. Si Vincent iyon, ang nag-iisang anak nina Manuel at Ruby Del Carmen. "Miss Beautiful! Good to see you here, hindi pa ako kumakain ng hapunan," ang masayang bati nito sa kanya habang maluwang ang pagkakangiti. "Sige sir, ipagluluto ko kayo ng hapunan," si Isla na tumayo pero mabilis siyang nahawakan ni Vincent sa kanyang braso para pigilan. Mabilis na naapektuhan si Isla sa mainit na palad ni Vincent hawak ang braso niya. Para iyong isang malakas na boltahe ng kuryente na lumaganap ng mabilis sa katawan niya at iyon ang naging dahilan ng pamumula ng mukha niya. Sa huli ay minabuti na lamang ng dalaga na bawiin ang kanyang kamay mula sa binata. "Okay lang, ako na ang bahala sa hapunan ko. Alam ko naman na gutom na gutom ka. Teka, bakit niyan lang ang kinakain mo eh ang daming pagkain dito sa ref?" naitanong pa ni Vincent habang nakatitig sa dalawang piraso ng tuyo na nasa kanyang plato. Mabilis na napalunok si Isla dahil sa tanong na iyon. "Okay lang sir, sanay naman na ako," sagot niyang tumawa pa ng mahina. Paborito niya ang tuyo pero sa kabila noon siguro normal lang ang makaramdam ng pagkaumay lalo at iyon ang inuulam niya dalawa hanggang tatlong beses sa loob ng isang linggo. Noon nangalatak si Vincent. "Sandalio lang, ipagluluto kita. Tingnan mo nga, dahil sa mga kinakain mo pumapayat ka na. Although bagay naman sa iyo kasi maganda ka naman talaga, dapat kumakain ka parin ng masustansya lalo na at nag-aaral ka," ang binata na sinimulang maghanda ng pagkain para sa kanilang dalawa. Napangiti doon si Isla saka nahihiyang nagyuko ng kanyang ulo upang itago ang labis na pamumula ng kaniyang mukha. Alam niyang mahilig magluto si Vincent at ang totoo ay masarap itong magluto. Pero dahil nga nag-iisang anak lamang ito, panigurado nang balang araw ay ito ang magmamana ng negosyo na itinayo ng mga magulang nito. At iyon ay related sa distribution ng mga high-end cars and motorbikes. Kaya naman business course ang kinukuha ngayon nito sa kolehiyo. "Tapos na, halika dito, kumain na tayo," dahil nadala siya ng husto ng malalim niyang pag-iisip ay hindi na niya namalayang natapos na palang magluto ang binata. "Pasta para sa hapunan, Pinoy pa ba tayo, sir?" tanong niyang natawa pa ng mahina nang simulan ni Vincent na lagyan ng pagkain ang kaniyang plato. Well, nasabi niya iyon dahil ang totoo mahilig naman talagang kumain ng kanin ang mga Pinoy. At may mga pagkakataon na maging ang pasta ay nagagawa nilang ulamin at normal lang iyon. Sandali munang tumingi sa kisame si Vincent, nag-isip. "Isla's pasta!" anitong nagpatawa na naman sa kaniya. "Seryoso? Ano nga?" pamimilit ni Isla saka tinitigan ang maiitim na mga mata ni Vicent nang buong paghanga. Totoong nahihigit palagi ang kaniyang paghinga tuwing tititigan at masisilayan niya ang mukha ni Vincent. Iyon ay dahil may something sa aura nito na talagang bumibighani sa kanya. Parang pinaghalo-halong Italian, Filipino at Arab ang karisma na mayroon ito. At ang ngiti ni Vincent, para iyong may kapangayarihan na patigilin sa pag-ikot nito ang mundo. Ang totoo, ganoon ang talagang nangyayari sa kaniyang tuwing nginingitian siya ng binata. Tumitigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo tapos nawawala siya sa sarili niyang katinuan. Minsan nga literal pa niyang nahuhuli at sarili niyang nakanganga. “I’m serious, I will be calling this Isla’s Pasta kasi naisipan ko talaga itong gawin ngayon lang, para sa'yo," nakita niya sa mga mata ni Vincent at naramdaman rin niya sa tono ng pananalita nito ang katotohanan sa sinabi ng lalaki. "Here," ilang sandali pa ay inilapit ni Vincent sa kanya ang tinidor nitong inikutan nito ng pasta. Nanlaki ang mga mata ni Isla sa ikinilos na iyon ng lalaki. "A-Ano?" Nang lumapad ng husto ang pagkakangiti ni Vincent ay nagkaroon na naman ng chance si Isla upang muling masilayan ang perpektong set ng mapuputing ngipin ng lalaki. "Come on now," pamimilit nito. "Unless gusto mo akong mapahiya kasi ayaw mong tanggapin ang offer ko?" sa tono ng pananalita nito ay naramdaman ni Isla ang determinasyon kaya sa huli ay minabuti narin ng dalaga na pagbigyan ito. “There you are, good girl,” anito nang sa wakas ay tanggapin niya ang pagkain sa tinidor nito ay bahagya pang kinurot ni Vincent ang tungki ng kaniyang ilong. Namula ng husto ang mukha ni Isla dahil doon. "Ngayon ako naman," noon napatitig si Isla kay Vincent, nagtatanong ang kaniyang mga mata. “W-What?” sinubukan niya ang huwag matawa nang makitang nakanganga si Vincent. “Aaaa…” ang binata na itinuro pa ang sarili nitong bibig. “Come on!” si Vincent nang manatili siyang nakatitig rito. Noon nagsimulang tumahip ang dibdib ni Isla. At sa nanginginig na mga kamay ay nilagyan niya ng pasta ang kaniyang tinidor saka iyon inilapit sa bibig ni Vincent. Tinanggap ni Vincent ang pagkain nang may magandang ngiti sa mga labi. Nangingislap pa ang mga mata nito habang ngumunguya ng pagkain at hindi mauunawaan ni Isla kung bakit. “Thank you for the wonderful dinner. I really enjoyed it,” wika ni Vincent na inabot ang kaniyang pisngi saka banayad na hinaplos ang sulok ng kaniyang labi gamit ang thumb finger nito. Halos hindi humihinga si Isla nang mga sandaling iyon pero sinubukan niyang kumilos ng normal, kaya lang ay hindi naki-cooperate ang boses niya. "S-Salamat din po, sir," sagot niya. Noong tumango si Vincent saka tumayo. “And by the way, just call me Vincent since I am not really that old with our three years age gap, what do you think?” ang napakalambing na winika ni Vincent na muli na namang nagpangiti kay Isla. “If that’s what you want, Vince?” aniyang nahihiya pa. “Much better, don’t worry, wala nang ibang pwede tumawag sa akin sa palayaw na iyan maliban sa iyo,” ang binatang malapad parin ang pagkakangiti saka siya kinindatan bago tumalikod sa kanya. "Night and sweet dreams!" dagdag pa nito habang naglalakad palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD