Clea Mair’s POV Masamang tingin ang ibinibigay sa akin ng mga magulang ko ngayong kaharap nila kami ni Andrel dito sa office nila, Hindi ako nagpasabi na uuwi ako at lalong hindi ako nag-inform sa kanila na kasama ko si Andrel. Nalaman lang nila na narito kami sa mismong oras na pumasok kami ng palasyo. Kaya hindi na nakakapagtaka na ganito ang ibinibigay nilang tingin. Kahit sabihin na wala kaming advance appointment, hindi nila maaaring ipagtabuyan si Andrel o kaya ay hindi harapin dahil isa pa din siyang miyembro ng imperial family ng Reveni Empire. And he was involved with the conditions that his brother laid out to my parents in exchange for going forward with our wedding. So, they don’t really have any choice. Mom sighed and looked at me. “Why are you here, Clea?” she asked. “

