Clea Mair’s POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay iba sa inaasahan ko. Akala ko ay dadalhin ako ng mga taong dumukot sa akin sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin matapos nila akong patulugin. Ngunit nagising lang ako sa sarili kong kama. Bumangon ako at agad napahawak sa ulo ko nang makaramdam ng kirot. Base sa bilis ng pagkawala ng malay ko, siguradong mataas na klase ng pampapatulog ang ginamit sa akin kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganito din kasakit ang ulo ko. Damn! Just who the hell did that to me? Akma na akong babangon nang agad akong matigilan dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Andrel na may bitbit pang tray na naglalaman ng pagkain. “Andrel?” Ngumiti siya at inilapa

