Clea Mair’s POV “Are you sure about this?” tanong ko kay Miracle nang dalhin niya ako sa isang high end bar na hindi kalayuan sa apartment ko. Ngayon lang ako nakapunta dito pero mukhang siya ay madalas dito dahil halos lahat ng staff ng bar na nakakasalubong namin ay binabati siya. “Bakit? Hindi ka ba papayagan ni Andrel na magpunta sa ganitong lugar?” balik niya sa akin. “It is not about Andrel,” I said. “Isa ang bar sa ipinagbabawal ng mga elders na puntahan ko.” Bumaling siya sa akin at tumaas ang kilay niya. “We rarely see each other and I want to bond with you, Clea. Are you going to choose those f*****g elder’s rules over me?” Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang trip nitong kapatid ko pero mukhang wala akong magagawa kundi ang samahan siya dito. May point naman

