Andrel Raven’s POV “Boss…” tawag sa akin ni Leon paglabas ko ng silid kung saan mahimbing nang natutulog si Clea. “We already prepared everything.” Tumango ako at nauna nang lumabas ng penthouse. Agad naman siyang sumunod sa akin hanggang tuluyan kaming makarating sa labas ng hotel kung saan naghihintay ang sasakyan ko. Sumakay kami doon at mabilis itong pinaandar papunta sa destinasyon ko. “Na-inform na namin ang Rioghail sa sitwasyon, Boss,” sambit ni Quiel na nagmamaneho ng sinasakyan namin. “They only send Dashyu to observe.” I couldn’t help but massage my temple as I heard that name. “Just him?” Tumango siya. “Iyon lang naman ang lagi nilang pinapadala kapag may problema dito sa Yain City dahil mas madalas siyang nandito.” Sa dinami-dami ng tauhan ng Rioghail, ang lalaking iyo

