Clea Mair’s POV Dad started changing the succession law in our country. At sa kabutihang-palad, karamihan sa mga miyembro ng House of Lords ay pabor sa plano niyang ito kaya naging mabilis ang proseso ng pagpapalit ng batas. At nang tuluyang mabago ang batas tungkol sa pagmamana ng trono, agad na in-announce ni Dad ang pagbibigay ng pagkakataon kay Miracle na patunayan ang sarili niya upang maging karapat-dapat na kapalit ni Hector bilang tagapagmana. Of course, marami pa din ang nagbigay ng negative reaction tungkol dito. Ilan sa mga iyon ay kabilang mismo sa angkan namin dahil nga kailanman ay hindi sila papayag na magkaroon ng mataas na posisyon sa palasyo ang isang babae, kahit pa si Miracle ito na marami nang napatunayan para sa sarili niya. At ang ilan pa ay mga mismong ministro

