Clea Mair’s Pov Hindi ko alam kung ano ang trip ni Andrel. Nang makarating kasi kami sa warehouse na nire-rentahan namin sa Henan Port, nakisali pa siya sa mga tumutulong na magpasok ng mga items namin. Parang pinangatawanan niya ang pagpapanggap na empleyado dito. I was about to stop him but I could see that he was enjoying what he was doing so I just let him do what he wanted and just watch him. “Seems like he finally gave up.” Mabilis akong bumaling sa gilid ko at nakitang nakatayo na pala sa tabi ko si Leon. Nakatingin din siya kay Andrel at mukhang wala din siyang planong pigilan ito sa ginagawa. “He even sneaked here just to approach you.” “And it looks like it didn’t surprise you.” Tumingin siya sa akin at ngumiti. “I have been with him since we were still a kid so I know ho

