Clea Mair’s Pov Napabalikwas ako ng bangon at nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapansing malapit nang dumilim ang langit. Hindi ko napansin na nakatulog ako at napahaba ito. Hindi ko na nga nagawa pang pumasok sa loob ng bahay at maghapon akong tulog dito sa garden. Hindi na din ako nakakain ng tanghalian. Mabuti na lang at mataas ang pader sa paligid ng bahay ni Miracle kaya hindi ko kailangan na alalahanin ang mga napapadaan dito. Agad na akong bumangon at binuksan ang ilaw sa buong kabahayan. Then, dumeretso na ako ng kusina para makapagluto para sa hapunan ko. Sabi nga ni Miracle, late siya makakauwi kaya siguradong hindi na iyon kakain dito. I was about to take out some ingredients when my phone vibrated. Kinuha ko iyon at kumunot ang noo ko nang pamilyar na number na naka-r

