Clea Mair’s Pov Going to a bar after work became our nightly routine because of Miracle. Lagi niya akong tinatawagan bago mag-out sa work para ayain na magbar at dahil bumabawi din kami sa mga nakaraang taon na hindi kami nagkasama ay hindi ko din naman matanggihan. Siguro ay naiintindihan ni Andrel ang sitwasyon ko kaya mula noon ay hindi na niya ako inaaya pa sa ibang lugar. Instead, he also coming along with us. Kaya kahit paano ay mayroon pa din kami ng oras sa isa’t-isa Also, I think this is the only thing I can do for Miracle. To be honest, I can sense something is going on with her. Hindi niya ugali na magpakalasing gabi-gabi. Pero ayaw niyang magsalita at dinadaan na lang niya sa biro ang lahat. Maging si Rajiv ay tikom din ang bibig at sinabihan akong hintayin na lang na si M

