Clea Mair’s POV Tatlong araw pa lang ang nakakalipas mula nang magkulong ako dito sa unit ni Andrel pero hindi ko inaasahan na ang dami na palang nangyari sa labas. Nagdesisyon kasi akong mag-off na lang muna ng phone para na rin makaiwas sa kahit na anong stress. Aba, malaking eskandalo naman kasi ang inuumpisahan ng angkan ko para lang masiguro na muli akong babalik sa palasyo. Wala pa akong lakas para harapin ang kasakiman nila kaya minabuti ko na munang putulin ang kahit anong komunikasyon nila sa akin. Wala naman akong problema sa komunikasyon namin ni Andrel. Kay Asahina siya tumatawag para makausap ako at makapagbilin ng mga dapat gawin habang wala pa siya dito. Ngayon nga ay naisipan ko nang buksan ang phone ko. At doon bumungad sa akin ang mga messages na naglalaman ng balit

