Clea Mair’s POV Just like what the twins planned, we visited food parks around the area since we only had limited time for the day and we had so much fun trying every new dish we saw in each stall there. May ilan pa nga doon na pumayag na ibigay sa akin ang recipe ng dish nila kaya siguradong magiging abala ko pagbalik sa apartment ko. Nang mabusog ay nagdesisyon na ang dalawa na dumeretso kami sa SweetHearts para kumain ng desserts. Inalis na nila sa plano ang pagpunta sa bar dahil kaunting oras na lang ang mayroon kami bago bumalik sa hotel. “Woah,” manghang sabi ni Cheya nang makapasok kami sa loob ng SweetHearts. Wala masyadong tao ngayon, siguro ay dahil office and school hours. Pero hindi ko inaasahan na makikita dito si Asper Dahlia. Tahimik siyang nakaupo sa counter at nagtut

