"Hindi ka pa din nagbabago. Akala mo ba matatakasan mo pa ulit ako Alice? Hindi na.. Hinding hindi na." Natigilan si Davdream ng mapagsino ang nagsalita at agad na napakamot sa ulo saka tumawa.
"Huwag kang mag-aalala, hindi ko gawain ang tumakas. Saka hindi ako si Alice, ako si Davdream. D.A.V.D.R.E.A.M. DAVDREAM gets?" Pagtatama niya na tinawanan lang ng lalaki. Lumapit ito sakanya at walang pasabing hinila ang braso niya at mahigpit na pinisil. "Nasasaktan ako and if you don't mind, could you let go of my arm?" Mahinanong sabi niya.
"Hindi mo na ako maloloko ulit sa mga pagpapanggap mo Alice. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang ulit sakin, keep that on your mind." Matigas na sabi ng lalaki at iniwan siyang mag-isa na hindi man lang pinaniniwalaan na hindi siya si Alice.
"Sinabi na ngang hindi ako si Alice eh. Ang kulit! Bahala siya sa buhay niya." Naglalakad palapit si Davdream sa motor niya na hindi kalayuan sakanya at ekspertong sumakay saka pinaharurot paalis sa campus nila.
Davdream POV
"You are late." Istriktong bungad ni Alice ng makababa ako ng motorsiklo imbis na sagutin ko siya nginitian ko na lang ng matamis at niyakap siya ng mahigpit. "What happened? Why are you late? Is there some bad guys tried to harass you? Tell me." Puno ng pag-aalalang tanong ni Alice na ikinatawa ko. Mukha din siyang OA kaya talagang hindi ko napigilang tumawa.
"I'm fine. There's nothing to worry about. By the way, may sasabihin ka diba?" Tanong ko habang tinatanggal ang helmet na suot ko.
"Yung deal natin mag-uumpisa na bukas kaya maghanda ka na. Kailangan mong sanayin ang sarili mo bilang Alice at ako naman sasanayin ko ang sarili ko bilang Davdream." That's so fast. Paniguradong magtataka ang mga taong nakakakilala sakin dahil sapag-iiba ko ng ugali. But so what? This is it! Ilang linggo din akong naghintay para simulan namin ang deal na napagkasunduan namin ni Alice.
"Nice. I'll try my best to act like you. I've been waiting for this day to come and anyway, don't push yourself to act like me. Just don't give them the idea that I am not you."
"Yeah, thanks. May oras ka pa kahit papaano. Try act like me so you can get used to it. Isang buwan din tayong magpapanggap. No one ever saw me with a smile on my face because I am cold. Sweet smiles doesn't fit me. The well known Alice Funckrich the heartless queen in Krich Academy." Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Kung sabagay cold talaga siya. I never saw her smiled to people around her. Ang tanging nangingitian niya lang ay si Aling Tesa at ako.
Sa ibang tao tulad ng mga butler at ibang maids or guard wala na siyang nginingitian. She act so all mighty in front of them pero kapag ako ang kaharap napaka daldal pero purong tanong naman ang sinasabi dahil sa pag-aalala.
And I know why. Sa aming dalawa siya ang traumatize sa pagkamatay ng mga magulang at ibang kaanak namin. She's scared to be alone kaya ang protective niya sakin but not so over protective. May mga pinagkakaabalahan din siya kaya may mga bagay siyang hindi gaanong alam tungkol sakin.
"Cold and heartless? Hmm... I can act the cold one but I think I will be having a hard time to act heartless but like I said I'll try my best." Paalam ko sakanya at tipid na ngumiti.
"Ayos lang. basta huwag mo din masyadong pilitin na magpanggap bilang ako."
Tumango tango ako. "Ok, I understand."
"Great. Bukas naman magpa-panggap din ako bilang Ikaw naman. Care to tell what's on your organization? I barely know anything about yours. Like what kind of organization you have and how your people treat you since you are the queen?" Kunwaring nag-isip ako at humarap kay Alice na naghihintay ng sagot mula sakin.
"Nire-respeto nila ako at hindi ginagalit." Tipid na sagot ko.
"Are you kidding me?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"I don't. I'm dead serious."
"Seriously? Wala na bang iba para may ideya ako kung paano aaktong bilang ikaw sa harap nila? Sa Mafia organization alam ko may mga mafia boss din diba? Come on Dav."
"Wala kang problema sakanila dahil mga masunurin sila at may mga sariling task. Ang ginagawa lang nila ay yung mga inuutos ko na pinapagawa naman ng mga kliyente ko sakin." Kumunot ang noo ni Alice sa sinabi ko sakanya. "Yung mga gawain kasi nila naka-depende sa iuutos ko. Yung iuutos ko naman ay naka-depende sa mga kliyente ko. Hindi din lahat ng gusto ng kliyente ko ay tinatanggap ko pero wala kang problema sa mga bagay bagay na yan. Pinatigil ko muna ang mga request nila. Ang po-problemahin mo ay yung wars with another organizations. My right hand man will explain you everything."
"Ahm, ok? I understood?" Natawa ako sa sagot niya. Blaire will surely identify her immediately. She doesn't need my explanation. Nandoon ang kanang kamay ko na alam kong tutulungan siya.
"Paghahandain ko lang yung mga katulong na magluto na ng hapunan natin." Sabi ko pero mukhang hindi niya ako narinig dahil seryoso siyang nag-iisip ng malalim. Balak ko sanang itanong kung may kilala siyang lalaki na baliw sakanya pero mukhang hindi ngayon ang tamang oras. Hindi na din naman siguro ulit kami magkikita ng lalaking yun.
"Oh! Davdream hija napaaga ka ata ng uwi? Hindi ba may klase ka pa ng ganitong oras?" Sinalubong ko ng matamis na ngiti si Aling Tesa.
"Nag-excuse ho ako. Si Alice nga ho kinuwestiyon pa ako kung bakit ngayon lang daw ako." Natatawang paliwanag ko.
"Hindi niya ba alam na iba na ang schedule mo?"
"Hindi pa po. Hayaan niyo na po Aling Tesa, malalaman niya din po. Marami lang talaga siyang pinag-kakaabalahan ngayon."
"Kayong magkapatid hindi ko kayo nakikitang laging magkasama. Dapat mas kilalanin niyo ang isa't isa. Sa paningin ko wala kayong gaanong alam sa isa't isa na hindi normal sa mag-kapatid lalo na sa mag-kambal na tulad niyo." Nginitian ko si Aling Tesa.
"It's only in yours eyes Aling Tesa. I know everything about my twin sister and don't dictate me what to do." Napipilan siya sa sinabi ko at hindi na muling umimik. "I am not the same Davdream you knew so shut the f**k up or maybe you want me to give you a money so you can shut your goddamn mouth like before?" Namutla siya sa sinabi ko. "Alice didn't know but I do. And you knew what I can do if you opposed me. Right?" Sunod sunod na napatango siya.
"Dav! Nandito ka lang pala." Lumingon ako sa direksiyon ni Alice na kakapasok lang sa kusina. "Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ni aling Tesa. Care to tell?" Matamis na nginitian ko si Alice at malambing na nagsalita.
"Sinabihan ko lang si aling Tesa na lutuin ang mga paborito mong ulam. Diba aling Tesa?" Nilingon ko naman si aling Tesa kabit kabit ang matamis kong ngiti.
"O-oo. Sasabihan ko silang dagdagan nila ang ulam ng butter shrimp."
"Salamat." Sabi ni Alice at tipid na ngumiti.
"Magpapahinga muna ako sa kwarto ko. Paki tawag na lang ako kapag nai-handa na ang pagkain."