Noong nakatira pa siya sa bahay nito ay may sarili itong gym at kapag napadadaan siya roon ay nakikita niya itong pawisan habang nag-gi-gym. Lalo na kapag nakahanap kita niyang tumutulo ang pawis nito na tila ba nais niyang punasan ang mga iyon. Napalunok na lamang siya naalala. Ano ba iyang mga naiisip mo, Steph? Nasiraan ka na. "You don't have to worry about anything. I know everything about you. I know your past and you have nothing to hide..." dahil sa sinabing iyon ni Greg ay napaangat ng mukha si Steph at napatingala rito habang nakatayo ito sa kanyang harapan. "A-alam m-mo?" nauutal pa niyang sabi na tila nagdaragdag ng nginig sa katawan niya. Nginig ng kasiyahan at excitement. Pakiramdam niya'y may tinik na naalis sa kanyang lalamunan. "Yes." tipid na sagot nito saka naupo sa t

