"I like your outfit." sambit ni Stella. Siya ang ex-girlfriend ni Greg na isa sa mga investors ng company ng binata. Kahit wala naman itong kailangang ireport sa opisina ay nagpalagay ito ng sariling opisina at araw-araw ay pumapasok ito upang makita lamang si Greg. "Kaya naman pala nahumaling sa'yo ang ex-boyfriend ko. Hindi ka lang ambisyosa, isa ka ring mang-aakit." dagdag pag sabi nito habang tinatapunan ng mapanglait na mga titig mula ulo hanggang paa si Steph. Hindi naman ito pinapatulan ni Steph. Isang buwan na mahigit nang magsimula siyang maging secretary ni Greg. At isang taon na mula nang lisanin niya ang probinsya at mangako sa sarili na babalikan niya ang kanyang anak upang kunin kay Gino. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ginagawang hakbang. "What do you need, S

