"Steph, I want you, I need you... I'm crazy fro you." sambit ni Greg habang nakatitig sa mga mata ng babaeng kausap. Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan nito. Ngunit ramdam niyang gusto rin siya nito. "I'd like to spend the rest of important occasions with you... Especially the rest of my life... Will you marry me?" isang singsing ang kuminang nang mailawan ito sa itaas ng gazebo ng pindutin ni Greg ang button ng ilaw. Napaawang naman ang bibig ni Steph. "Seryoso ka ba, Greg?" hindi niya naiwasang tanong. "Mukhang bang nagbibiro lang ako? I never thought na mahuhulog ako nang ganito sa'yo. I've been fighting my feelings because you're my friend's wife. O mas mabuting sabihin na dating kinakasama? I don't care kung naging kanya ka. Ang mahalaga ay mahal kita. Walang kaso kung sino a

