Hindi malaman ni Steph kung bakit matapos siyang halikan ni Greg ay tila nakumpirma niya ang kanyang puso. Nahulog na ng siya rito. Napansin niya ang nararamdaman niya rito noong mga nakaraang buwan pa. Kapag wala ito sa bahay ay nami-miss niya ito. Kapag may kausap itong ibang babae ay nakararamdam siya ng paninibugho. Hindi, Steph. Hindi puwede. May anak ka. May asawa. Mag-focus ka sa goal mo. At isa pa ay boss mo si Greg. Isa kang lupa at buwan siya. Hindi mo siya maaabot kahit pa siya ang nagsilbing ilaw mo sa madilim at masalimuot mong buhay. Patuloy ang paalala ni Steph sa sarili habang abala siya sa pag-aayos ng mga gamit niya sa bahay. Isang linggo na ang nakalilipas magmula noong dumating ang mga gamit niya. Ngunit ngayon lamang siya nagka-oras ayusin ito dahil sa naging busy si

