"Greg! Greg!" sigaw ni Stella na umalingawngaw sa labas ng opisina nito. Mabuti na lamang at nag-iisa lang ang opisina ni Greg sa floor na iyon. Halos lahat ay meeting rooms ay walang meetings na nagaganap sa mga oras na iyon kaya walang ibang tao roon kung hindi ay sila lang. Walang ibang makaaalam sa nangyayari. "What's happening?" buong pagtataka na usisa ni Greg sa humahangos pang babae na si Stella. Agad na lumapit ang babae at sinunggaban nito nang marahas na halik ang binata. Mariin habang nakakapit ang mga braso nito sa leeg ng binata. Pilit naman itong inaalis ni Greg. Ngunit malakas ito at hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lakas na iyon. "What's this all about, Stella?" kahit may kakaibang lakas ito ay nagawa niyang ilayo ito sa kanya. "I can't believe you're marrying

