Chapter 19.1

1025 Words

"Hihintayin kita, Steph." agad na basa niya sa message na alam niyang si Gino ang nagpadala. Nang matapos ang oras ng trabaho ay agad na nag-ayos si Steph para puntahan si Gino at ang anak niya. Hindi na niya mahihintay pa si Greg. Ayaw rin niyang mag-alala pa ito sa kanya. Nang makarating sa kotse ay agad itong nagmaneho patungo dati niyang kinakasama. Sa lugar kung saan nasira buong pagkatao niya. Lugar na halos isumpa niya. Ngunit ano ang magagawa niya? Mahal niya ang anak niya at kailangan niya itong makuha. "Papunta na 'ko. Huwag mong sasaktan ang anak ko." sabi niya sa kabilang linya nang tawagan siya ni Gino. "Huwag kang mag-alala. Anak ko rin siya at hindi ko magagawang saktan ang anak ko." hindi siya kumbinsido rito. Kahit alam niyang hindi nito sasaktan si Earl ay baka masakta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD