"Steph..." mugto ang mga matang sambit ni Greg habang nakatitig sa bangkay nito. "Bro, tama na. Wala na siya." nang mapaluhod si Greg sa harap ng kabaong nito ay itinayo siya ni Lauro. "Bakit kailangang mawala siya? Bakit?" hindi niya matanggap sa sarili niya na wala siyang nagawa para rito. Hindi na rin siya makagaganti kay Gino. Hanggang sa huli ay sinundan nito si Steph. Hanggang sa kamatayan. "Wala kang kasalanan." nang maitayo nito ang binata ay iniupo nito sa gilid ang kapatid habang haplos ang likod. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ng mahigpit si Lauro. Bagama't may kasalanan ito sa kanya ay mananatili na lamang ito alaala. Minsan may isang babaeng nagustuhan siya na gusto rin ng kapatid niya at parehong nawala sa kanila ang babaeng iyon. Ngayon ang huling araw ng lam

