Naalala pa niya noong nakasalubong niya ito sa elevator. Galing siyang left wing ng company at sa right wing naman ang opisina nito. Naunang bumukas ang right lift. Naunang pumasok ito sa loob kasunod ang sekretarya nito noong si Hallie Verna. Nang papasok na siya ay biglang sumenyas si Hallie na huwag siyang pumasok saka nagsalita. "Excuse me, please take the left lift instead. My boss preferred to ride the lift alone." nagmamadali pa naman siya noon dahil mag meet sila ng suitor niya sa katabing restaurant ng building nila. Nang magsara ang lift ay sinipa niya ang pinto sa inis. "Arte!" sigaw pa niya. Ngunit namilipit siya sa sakit dahil tumama ang hinlalaking daliri niya sa paa sa halip na sapatos niya. Eksakto rin namang bukas ng left lift. Halos murahin niya si Greg sa inis. Ngunit

