CHAPTER ONE

1790 Words
"You know that I'm a crazy b***h, I do what I want when I feel like it... all I wanna do is loose control... Oh, oh... but you don't really give a shit... you go with it... go with it... 'cause you're a f*****g crazy rockin' roll!" Ganadong pinagpatuloy ni Lotus Cagayanan ang pagtipa sa guitar para sa awiting Smile ni Avril Lavigne. Request song iyon at pinagbigyan nila ang humiling noon. Isa pa'y iyon ang winning piece nila noong manalo sila sa Musiklaban. Naging daan ang kompetisyong iyon para makilala sila hindi lang ng mga sikat na recording company sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. They grabbed the opportunity to be in Virgin Records. Nakatunog sila noon na maraming foreign recording company ang dadayo dahil sa paghahanap ng bagong talent kaya hinusayan nila talaga. Sulit ang pagpupuyat at pagod nila sa ensayo dahil nakamit nila ang tamis ng tagumpay. Naging mabilis ang lahat. Sa loob ng igsi ng panahon ay napamayagpag sila sa ere. Milyon ang inakyat nilang kita sa kumpanya dahil sa mga albums nila at sa mga kita pa ng mga concerts nila sa iba't ibang panig ng mundo. She closed her eyes, ah... she felt the music over flowing from her soul. Damn, that's where she really belongs: limelight with her guitar. Sumabay siya kay Jill, ang vocalist at rhythm guitarist ng banda nilang Toasted Candies. Back-up vocals din silang lahat dahil pawang magaganda ang boses nila. Nasa kolehiyo pa lang sila ay magkakaibigan na sila nito. Magkakaiba ang mga kurso nila pero naging magkaklase sila sa isang minor subject. They shared the same passion: music. Magmula noon ay nangarap na sila makarating kung nasaan man sila ngayon at nangako siya sa sariling hindi iiwan ang mga ito dahil alam niyang ganoon din ang banda sa kanya. They are the only person she had. Apat silang makakabanda. Si Natalee ang bassists nila at si Jody ang drummer nila. Ito ang mga naging karamay niya nang maghingalo ang puso niya dahil sa kanyang asawa. She shrugged the pain formed her chest. It was six years pero nandoon pa rin. Matindi pa rin ang sipa. Marahil, dahil sa katotohanang sa loob ng mga taong iyon ay ito lang ang inisip niya sampu ng napakaraming katanungan kung paano nito nagawang lokohin siya. Aaminin niyang wala sa panahon ang kanilang pagaasawa. Nahiya nga siya noon dito pero ito ang naging determinado. She loved him more because of that. Iyon pala, sa lahat ng sakripisyo nito ay tila isang simpleng bagay lang dito kaya madali lang para ritong itapon. Napakurapkurap siya ng mulagatan siya ni Jill. Nawala tuloy siya sa ginagawa at lihim na napamura sa isip. Damn, Xavier! He was still a nuisance. Hanggang ngayon ay kaya pa rin nitong guluhin ang isip niya. Huwag lang itong magpapakita sa kanya dahil siguradong babawi siya. Oh, she will do everything to screw him. "Hey, what happened up there? Last gig na natin 'to, last song na iyon na ni-request ng tao sa atin, lumutang ka pa kanina," sita sa kanya ni Jill. Hindi naman ito mukhang galit. Sinundan siya nito sa dressing room matapos nilang tumugtog at tila nahahapong naupo siya sa sofa. Hinilot niya ang sentido. "Pagod lang ako," Natawa si Natalee. "Ngayon ko lang narinig 'yan. Nakakalimutan mo na bang hindi ka napapagod?" Natahimik siya dahil totoo ang sinabi nito. Magmula ng maghiwalay sila ni Xavier ay banda at pagaaral ang inatupag niya. Ginawa niyang dibersyon iyon. Pinatay niya ang sarili sa labis na pagta-trabaho. Practice dito, duty doon ang ginawa niya dahil kumukuha pa lang siya ng Nursing noon. Sa ngayon ay license nurse na siya at nasubukan din niyang mag-practice ng ilang buwan. Gayunman, nang manalo sila sa Musiklaban at dumating ang magandang oportunidad ay nag-resign na siya sa ospital na pinapasukan dalawang taon ng nakararaan. When she remembered that course, the pain stirs more. Nagtiim ang bagang niya at hinamig ang sarili. Napailing na lamang siya sa pagkadismaya. "Kayo naman. Tao naman 'yang si Lotus, napapagod din," Ani Jody saka bumaling sa kanya. "Saan ka niyan? Siguradong wala ka namang dadatnan sa inyo. Hindi naman umuuwi ang erpat mo sa bahay niyo," "Ayokong umuwi doon," matigas niyang saad. Lalo siyang nakaramdam ng kakaibang igting ng galit. Hangga't maaari ay ayaw niyang umuwi sa Bataan. Matagal na siyang hindi umuuwi at nakikibalita sa ama niya. Wala naman itong pakialam sa kanya. Matagal na. Her father was a Deep Penetration Agent o tinaguriang 'Mole' ng kanilang departamento. He was a long term spy and he was assigned everywhere. Bago pa 'yon ay isa itong simpleng ahente ng NBI at dahil sa husay nito sa pagiging 'Mole' upang mai-solve ang mga kaso ay nilipat ito sa mas malalaking kaso. Sa pagkakaalam niya, ang madalas nitong hawakan ay ang human trafficking, human sumuggling at s****l slavery. Nagiging spy ito sa mga big time syndicate at walang uwian iyon. Minsan kasi ay sa ibang bansa pa ito naipapadala dahil sa laki ng sindikato sa kung saan pinoy din ang involve. Isang rason iyon kaya napabayaan siya nito. "Sama ka na lang sa akin sa Davai," untag ni Jody. "Ano? Sige na para naman happy tayo. Bibili ako ng mausoleum," Napahalakhak silang magkakaibigan dito. Iyon ang isa sa mga gusto niya rito. Kayang-kayang burahin ng mga ito ang kalungkutan niya. Napailing-iling na lamang siya sa ka-weirduhan ng kaibigan. Ito kasi ang pinaka-weird sa kanila. Bigla itong magsasalita ng out-of-this-world na topic. Ilang sandali pa ay pumasok na ang manager nilang si Liz. Pinay ito na matagal ng nagta-trabaho sa Virgin Records bilang manager nila. Marami itong hinawakang talents pero sa ngayon ay sila ang focus nito. Mas matanda ito ng limang taon sa kanila. "Salamat dahil pinagbigyan ninyo ang kaibigan ko," nakangiting saad nito at tumango ang katabi nitong babae, si Nadia. Ito ang may-ari ng bar and resto na tinugtugan nila. Actually, hindi iyon kasama sa plano nila pero dahil sa pakiusap nito ay tinanggap nila. Huli naman na iyon dahil magbabakasyon na sila mula sa world tour nila. "No problem," ani Jill at nagsipagtanguan sila. "One month is enough. Virgin Records needs you," anito saka sila nagsipagtanguan. Matapos ang bakasyon nila ay muli na naman silang pipirma ng kontrata doon. Napatingin na lamang sila sa pinto ng may kumatok. Agad naman iyong binuksan ni Nadia. Nagkatinginan sila ng magtagal ito doon at ilang sandali pa ay lumabas. Mukhang importante iyon kaya nagpasya na lamang si Miss Liz na bilinan pa sila. "Okay guys, communication is important. Walang magpapatay ng cellphone, maliwanag?" mahigpit nitong bilin. Muli siyang tumango rito hanggang sa muling bumalik si Nadia. She looks restless. Nagkatinginan silang magkakaibigan. Saglit nitong tinawag si Liz at mukhang nabigla ito sa binulong ni Nadia. Naantig ang kuryusidad nila. Lumapit si Jill dito ng hindi makatiis. Nang may sabihin si Liz ay mukhang nabigla din ang kaibigan niya. Nabigla din siya dahil sa kanya nakatingin ang mga ito. "Is it true that you are married?" halos sabay-sabay na tanong ng mga ito. Nagbara ang lalamunan niya. Hindi niya pa nasasabi iyon sa mga ito. Single pa rin ang ginagamit niyang status. Hindi niya iyon itinatago sa mga ito bagaman hindi rin niya pinangangalandakan. Wala rin naman kasing saysay iyon dahil balak din naman siyang hiwalayan ni Xavier... gaya ng pangako nito. "Yes," amin niya sa mga ito at natawa ng bahaw. "But we'll going to have annulment. Maybe soon?" tila balewalang saad niya para hindi mahalata ng mga itong matindi pa rin ang dating sa kanya. Aaminin niya, isa pa rin siyang babae na nangangarap makasal ng habambuhay at hindi sa ganoong paraan. Ni hindi sila nagkasama ni Xavier, naghiwalay sila nito agad. Gayunman, aanhin niya ang lalaking tulad ni Xavier ng forever? He was a plain jerk. Ang masama ay minahal niya ito. "Bakit hindi mo sinasabi sa amin?" nanggagalaiting tanong ni Liz. "Reporters are outside. Nandoon si Xaiver! Claiming he wants to see his wife and that is you! Kung alam lang natin, sana noon pa para nasasabi na natin iyon sa mga interviews at profile mo para hindi tayo magkakaroon ng ganitong klaseng problema!" Bigla siyang napatayo. Mukhang nauuna pang magwala ang puso niya kaysa sa utak kaya hayun, lumulutang ang isip niya at nasa labas na ng silid ang atensyon niya. "S-sigurado ba kayo?" paniniyak niya. Dinagsa siya ng matinding kabog sa puso. Hindi siya mapakali. Knowing Xavier was right outside that door? Damn! She felt she'd going to die that moment! Hindi niya mapigilang bumangon ang pananabik. Ano na kaya ang itsura nito? Mala-Chase Crawford pa rin ba ang kaguwapuhan nito? Lumaki ba ang katawan nito? Naging successful na kaya ito? Biglang-bigla, gusto niyang kutusan ang sarili. Why the hell she would worry about that? He abandoned her. She shouldn't feel excited to see him! Tumango si Nadia. "Nasa opisina ko na siya. Damn... paano ito? Ang dumagsa ang press sa labas ng bar ko." "Ako ang bahala," ani Liz. "Papuntahin mo si Xavier dito." "What! No!" agad niyang tanggi. Muli, gusto niyang batukan ang sarili. Noon ay atat siyang makita ang lalaki at pamukhaan ito kung ano siya ngayon. Bakit naman ngayon ay natuturete siya? "Papupuntahin ko siya rito para once and for all, makaalis na ang lalaking iyon dito," angil ni Liz sa kanya saka ito napahagod sa noo. "I'll handle the rest. Talk to the guy, okay?" Nang lumabas si Nadia ay nawindang ang buong sistema niya. Naikuyom niya ng mariin ang mga kamay dahil nabibigla siya sa lahat ng iyon. Oo at alam niyang dadating ang araw na magkakaharap sila ni Xavier pero buwisit! Hindi sa ganoon klaseng pagkakataon! Napaigtad na lamang siya ng tapikin ni Natalee ang balikat niya. "Relax... Ano ka ba? Asawa mo pala 'yon. Bakit parang natatakot ka?" "Hindi ako natatakot!" defensive na sagot niya at napahagod sa mukha. Damn, she does really sound so defensive. Pambihira naman kasi si Xavier, marinig lang niya ang pangalan nito ay natuturete na talaga siya at doon niya napagtantong nagbago na ang damdamin niya rito: tumindi pa iyon! "Ohh-kay... sobrang maka-react. Obvious," bubulong-bulong na saad ni Natalee. Agad na nawala ang atensyon niya kay Natalee nang bumukas ang pinto. Bigla siyang napatayo. Parang tumakas na ang utak niya nang sandaling iyon. Ang puso niya, nasa ngalangala na niya. Hirap na talaga siyang huminga! Unang pumasok si Nadia... kasunod ang isang bouncer. Gusto na niyang mapamura ng malakas dahil tila bumagal ang takbo ng oras. Naging slow motion ang lahat. Magmula sa paglitaw ng bulto ng isang malaking lalaki. Mas malaki pa yata ito sa sinusundan nitong bouncer hanggang nahigit niya ang hininga ng bumungad ang pinakaguwapong lalaking minahal, hinangaan at pinakasalan ngunit winasak ng todo ang puso niya: si Xavier Cabral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD